Rica Peralejo may hugot nang makita ang 'eksena' ng 2 anak: Ang laking bagay pala na meron kang nasasandalan, 'no!? | Bandera

Rica Peralejo may hugot nang makita ang ‘eksena’ ng 2 anak: Ang laking bagay pala na meron kang nasasandalan, ‘no!?

Ervin Santiago - November 07, 2022 - 06:03 AM

Rica Peralejo, Joseph Bonifacio, Manu at Philip Bonifacio

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng aktres at celebrity mommy na si Rica Peralejo-Bonifacio sa Diyos dahil sa pagkakaroon ng solid at masayang pamilya.

Isa si Rica sa mga kilalang artista na mas piniling mag-focus sa pag-aalaga sa kanyang asawa at mga anak at pansamantalang iwan muna ang mundo ng showbiz.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Rica ng ilang kaganapan sa personal niyang buhay, kabilang na riyan ang napakagandang relasyon ng mga anak nila ni Pastor Joseph Bonifacio.

Sa IG post ni Rica nitong nagdaang November 3, makikita ang bunso nilang anak na si Manu na nakahilig sa balikat ng kuya niyang si Philip habang tulog na tulog.

Ang caption na nakalagay sa litrato ay, “Ang laking bagay pala na meron kang nasasandalan, ano?

“Ngayon ko lang naisip na ang laking tulong pala sa mental health ng isang tao na tumandang hindi nag-aalala na bigla ka nalang makakatulog…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)


“Kasi alam mo namang may sasalo o mag-aayos nu’ng ulo o may may nagbubuhat sayo papunta sa kama mo,” mensahe pa ni Rica.

Nito namang nagdaang Sabado, November 5, ibinahagi ng aktres ang ilang realizations niya sa buhay nitong nagdaang linggo kasabay ng hugot sa mga maling taong dumarating sa buhay natin.

Aniya, “When you let go of the wrong people, you gain a whole lot of time for the right ones.

“I will forever love babies and dogs and i think what it is may be their dependence on and devotion to you; ‘when someone can’t live without you,’ it communicates importance and value; maybe God feels this way, too, when we depend and cannot live without Him,” pahayag ni Rica.

Dagdag pa niya, “Sibling love is something i have and will always pray for my boys to have for all the rest of their life together.

“My lola in law is 91 and walked up a flight of stairs to her party; i wanna be like that when i grow up.

“Sweater weather at deep night in MNL loveet,” mensahe pa ng aktres.

Rica Peralejo nagbago ang ‘goals’ sa buhay dahil sa 2022 elections

Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rica Peralejo hinangaan sa post tungkol sa ‘self-love’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending