Heart dedma pa rin kay Chiz, hirit sa pagbabalik-Pinas: I’m back with a vengeance, welcome to the season 3 of my life!

Heart Evangelista at Chiz Escudero

NAKAUWI na ng Pilipinas ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista mula sa ilang linggong pagrampa sa iba’t ibang lugar sa Paris.

Pero ilang araw lang ang nakalipas, lumipad naman ang misis ni Sen. Chiz Escudero patungong Singapore para sa isang luxury brand event.

Nakabalik sa bansa at nakaalis na uli ngunit wala pa ring opisyal na pahayag na inilalabas si Heart pati na si Sen. Chiz tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon — kung totoo bang hiwalay na sila o fake news lang ang kanilang break up.

Nang makabalik ng Pilipinas si Heart mula sa Paris ay nag-share siya sa kanyang Instagram page ng  isang get-ready-with-me video.

“Good morning Philippines. I am back with a vengeance. Welcome to the season 3 of my life!” ang makahulugang chika ng Kapuso star.

Kasunod nito, ibinandera ni Heart ang kanyang OOTD (outfit of the day) sabay dialogue ng, “You never know when its time for… I don’t know, to run away or something like that, charot!”

May isang IG follower naman si Heart na nagkomentong akala raw niya ay hindi na gagawa ito gagawa ng get-ready-with-me video.


Hirit na sagot ni Heart sa netizen, “Maraming namamatay sa ‘I thought’ dear. Go with the flow na lang darling. (laughing emoji).

“Pati ako maraming i thought. Kaya hayaan na dear (laughing emoji),” dagdag pang chika ng aktres.

Matatandaang unang pumutok ang chika na may pinagdaraanang marital issue sina Chiz at Heart nitong nagdaang August. Ito rin yung panahong tinanggal ng aktres ang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram profile.

Sinundan ito ng chika na hindi na rin nakikitang suot ni Heart ang kanyang wedding ring.

Pagsapit ng September, inamin ni Heart sa isang vlog ni na meron siyang pinagdaraanang “personal struggles.”

“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy,” ang makahulugang pahayag ni Heart.

Sa nakalipas na ilang buwan, walang update ang aktres patungkol kay Chiz. Sa katunayan, dedma rin siya nang  magdiwang ng 53rd birthday si Chiz last October 10.

Habang nasa Paris naman si Heart ay ibinalita niyang nakakuha na raw siya ng apartment dahil plano nga niyang mag-stay pa nang matagal doon para sa kanyang trabaho.

‘All by myself’ ang drama ngayon ni Heart: I’m learning to walk alone and being independent and I kind of love it!

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Read more...