Boboy Garrovillo, Jim Paredes at Danny Javier
WALANG kinasangkutang away o samaan ng loob ang mga miyembro ng APO Hiking Society na sina Danny Javier, Jim Paredes at Boboy Garovillo.
Hindi totoo ang iniisip ng mga tao na nag-retire noong 2010 ang OPM legend makalipas ang mahigit apat na dekadang pamamayagpag sa entertainment industry.
Yan ang siniguro ng yumaong singer-songwriter na si Danny Javier sa 2016 interview ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa kanya.
“Hindi kami nag-away. As a matter of fact, the reason why I said it was about time to quit, because I wanted to keep the relationship.
“Marami naman diyan na mag-asawa, naghiwalay na walang away, pero naghiwalay. Kaya siguro naghiwalay, para wala nang away,” aniya pa.
“I sing once in a while when the occasion calls for it, halimbawa, nag-ho-host kami ni Boboy ng isang programa, eh hinihingi talaga ng mga tao,” sabi ni Danny.
Sa tanong kung bakit imposible na silang magkaroon ng reunion concert, “It’s one and done. It’s what’s the next phase in my life. Buhay pa naman ako, eh.
“Malapit na ako umabot sa punto na siguro dapat balikan ko nalang ‘yung biniyaya sakin. Magsulat na lang ako ng kanta. Anong klaseng kanta? Ewan ko,” pahayag ng OPM icon.
Pumanaw si Danny Javier nitong nagdaang October 31 “due to complications of prolonged illnesses.” Siya ay 75 years old.
Kahapon, na-cremate na ang kanyang labi sa Heritage Park, Taguig City pagkatapos ng huling misang dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan.
Isa sa mga nagbigay ng huling pagpupugay sa yumaong OPM legend ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naroon din sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes. Kuwento ni Boboy, “I sang to him the Beatles’ song ‘Two of Us.'”
Mensahe naman ni Jim, “I said ‘I love you bro’ then he pressed my hand hard and long.”
Bukas, November 8, nakatakda ang inurnment ng labi ni Danny sa Heritage Park.
Danny Javier ng APO Hiking Society pumanaw na sa edad 75
Bakit imposible nang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society?
Joey de Leon sa pagpanaw ni Danny Javier: ‘Kumbaga sa poker, out ka na muna…next deal ka na lang pare!’