Joey de Leon sa pagpanaw ni Danny Javier: ‘Kumbaga sa poker, out ka na muna…next deal ka na lang pare!’
BINIGYAN ng “tribute” ng veteran TV host at comedy icon na si Joey de Leon ang yumaong miyembro ng APO Hiking Society na si Danny Javier.
Nag-post ng throwback photo ang “Eat Bulaga” Dabarkads sa kanyang Instagram account kung saan magkasamang nagpe-perform ang APO at ang TVJ o ang legendary trio nila nina Tito Sotto at Vic Sotto.
Kuha ang nasabing litrato sa 70s musical gag show na “OK Lang” na umere sa IBC 13. Ito ang kauna-unahang TV show nina Tito, Vic & Joey kung saan nakasama rin ang aktor at singer na si Val Sotto.
Makikita ang nasabing litrato sa librong “Eat Bulaga: Ang Unang Tatlong Dekada.”
Sabi ni Joey sa caption, “We played (poker) minus Jim. May utang pa nga akong (P500) kay Boboy (Garovillo) hanggang ngayon! We did ‘Jesus Christ Superstar’ on TV.”
Dagdag pang hirit ng tinaguriang Henyo Master, “Kung baga sa (poker), out ka na muna Danny. Next deal ka na lang pare! Rest in peace sounds like BETS PLEASE!”
Ipinagluluksa ng buong showbiz industry ang pagpanaw ni Danny Javier nitong nagdaang October 31, sa edad na 75. Bumaha ng mensahe ng pakikiramay sa social media para sa mga naulila ng OPM legend.
Matatandaan na noong 2010 nang mag-retire ang APO Hiking Society bilang grupo at kung hindi kami nagkakamali, isa sa mga huling TV interview ni Danny ay sa “Kapuso Mo Jessica Soho” taong 2016.
View this post on Instagram
Ayon kay Danny, binigyan lang daw siya ng mga doktor ng 10% chance na mabuhay dahil sa kanyang sakit na congestive heart failure at COPD or Chronic Obstructive Pulmonary Disease.
“I nearly died on June 11, 2011. At that time I preferred to keep it quiet because I’m just another life. One thing led to another. Na-food poisoning ako, akala nila asthma.
“I was told I had kidney failure. I had liver collapse. I had emphysema. I had pneumonia, hepatitis-A, congestive heart failure, and I might have skipped something else, sepsis,” ang paglalahad ng singer sa nasabing panayam.
Kasunod nito, naranasan din daw niya ang tinatawag na “white light” experience, “‘Yung sandali lang, hawak-hawak ko ‘yung kamay ng anak ko. Ang feeling ko, kung saan-saan ako nagpupunta.
“Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno. Pagdating ko sa impiyerno, ang daming tao, nakapila. Lahat, mga kaibigan ko. So at home na at home ako,” natatawang biro ni Danny.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Sabi ko sa bantay, pwede ba kong bumalik? Kasi walang gustong magpasingit e. Nu’ng umalis ako, namulat ako, hawak ko pa rin yung kamay ng anak ko.”
Sa nasabi ring panayam, sinabi ng singer na hindi raw siya natatakot sa kamatayan, “This is my time to go, it’s my time to go. I have never been afraid of death. Kung hindi ka mamamatay, hindi ka nabuhay. di ba? ‘Yun talaga ang destination mo, e.”
Ilan sa mga pinasikat na kanta ng APO Hiking Society ay ang “Batang-Bata Ka Pa”, “Panalangin”, “Awit Ng Barkada”, “Yakap Sa Dilim”, “Ewan”, “Kaibigan”, “Pumapatak Ang Ulan”, “Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba”, “Nakapagtataka”, “Blue Jeans”, “Anna” at “When I Met You”.
Danny Javier ng APO Hiking Society pumanaw na sa edad 75
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.