KC Concepcion ibinandera ang kauna-unahang lalaking minahal: You inspire me to keep calm and live life to the fullest!

KC Concepcion ibinandera ang kauna-unahang lalaking minahal: You inspire me to keep calm and live life to the fullest!

KC Concepcion at Gabby Concepcion

PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na netizens ang birthday greeting ni KC Concepcion para sa kanyang amang si Gabby Concepcion.

Idinaan ng actress-TV host at entrepreneur ang pagbati kay Gabby sa kanyang social media account ngayong araw, November 6, kalakip ang throwback photo nilang mag-ama.


Inilarawan pa ng dalaga ang kanyahg tatay sa caption ng ipinost niyang litrato sa IG bilang kauna-unahang lalaking minahal niya “unconditionally”.

“To the most gorgeous man in my life! Happy birthday to my popps, the first man I ever loved,” simulang mensahe ni KC para kay Gabby.

Dugtong pa niyang pahayag, “Your unconditional love brings me so much comfort and l’m sooo grateful for what we have today.”

Looking forward din ang dalaga sa marami pang taong pagsasamahan nila ng ama kaya ang isang wish niya kay Gabby ay mabuhay pa ng mahabang-mahabang panahon sa mundo.

“I love you @concepciongabby To many more of these beautiful memories we’ve made and continue to make together,” sey ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta.

“You inspire me to keep calm and live life to the fullest! Happy happy birthday!!!” ang bahagi pa ng IG greeting ni JC kay Gabby.

Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Yassi nag-birthday kasama ang mga aso’t pusa: My heart is so, so full!

Read more...