‘The Clash’ champ Golden Cañedo kinakarir ang pag-aaral para maging registered nurse; binati ni Carol Banawa

Golden Cañedo

MAY panghihinayang man, pero siguradong hindi nagsisisi ang Kapuso singer at “The Clash” grand champion na si Golden Cañedo sa naging desisyon niyang iwan muna ang entertainment industry.

Marami ang nagtaka kung bakit bigla na lamang nawala sa GMA 7 ang dalaga sa gitna ng umaariba niyang recording at singing career.

Yun pala, mas pinili ni Golden ang pansamantalang magpahinga sa pagkanta at pagpe-perform para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makamit ang isa sa kanyang ultimate dream — ang maging registered nurse.


Nasa college na ngayon ang Kapuso singer taking up bachelor’s degree in nursing sa University of Visayas sa kanyang hometown sa Cebu.

Kamakailan, nagbigay ng update si Golden sa pamamagitan ng kanyang Instagram account tungkol sa kanyang pag-aaral. Nag-post siya ng mga photos from her capping, badge investiture, and candle-lighting ceremony.

Sa isinulat niyang caption, sinabi ni Golden na mahaba-haba pa ang kanyang college journey pero nagpapasalamat siya sa Diyos na nabigyan siya ng chance na maipagpatuloy ang pag-aaral at unti-unti na niyang natutupad ang matagal nang pinapangarap na maging nurse.

“I still cannot believe I have made this far.

“I know what awaits me is a long journey to success, but I’m willing to continue as God and those who are supporting me will always be by my side, no matter what.

“SN now forda RN puhon!” ang buong mensahe ni Golden.

Nauna rito, ibinahagi rin ng dalaga ang ilang litrato niya bago maganap ang dinaluhang school event para sa mga nursing students.

“Pictorial Day for my Capping and Pinning Ceremony,” aniya sa caption with matching green heart and nurse emoji.

Isa sa mga celebrities na nagkomento sa IG post ni Golden ay ang dating Kapamilya singer-actress na si Carol Banawa, na nagtatrabaho na ngayon bilang nurse sa Amerika.

“Kayang-kaya (heart emoji) you got this! You’re Golden (emojis),” ang mensahe ni Carol sa Kapuso star.

Matatandaang noong July, 2021 bumalik sa Cebu si Golden para ipagpatuloy ang pag-aaral. Natapos niya ang senior high school with flying colors at dire-diretso ngang nagkolehiyo.

Unang sumali si Golden sa “Tawag Ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN noong 2017. Taong 2018 naman siya nag-join sa first season ng “The Clash” sa GMA 7 hanggang sa itanghal na grand champion.

Carol Banawa nakalimutan nang alagaan ang sarili: I have been feeling ‘unhappy’ about my health and how I look…

Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!

Read more...