NAGHAIN ng “not guilty” plea ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Diaz Remulla III para sa kasong “drug possession.”
Kinumpirma ito ng kanyang abogado na si dating Quezon City congressman Jose Christopher “Kit” Belmonte sa pamamagitan ng isang text message kasabay ng paghabla ng kaso na naganap noong November 4.
Kung matatandaan, October 11 nang mahuli si Juanito ng mga awtoridad matapos kunin ang isang parcel sa Las Piñas City na naglalaman ng isang kilong “high-grade” marijuana o “kush” na may halagang mahigit isang milyong piso.
Dahil diyan ay kinasuhan siya ng Las Piñas City prosecutor’s office para sa paglabag sa RA 9165 Section 11 o “illegal possession of drugs” at wala itong piyansa.
Bukod pa riyan, nahaharap din siya sa reklamong paglabag sa RA 9165 Section 4 o “illegal importation of drugs” na may parusang multa mula P500,000 hanggang P10 milyon.
Samantala, naiulat na dumalo sa isang preliminary investigation si Juanito noong November 2.
Nauna nang sinabi ng kanyang ama at Chief Justice na hindi siya makikielam sa kaso ng kanyang anak.
Gayundin ang ipinangako ni Cavite Governor Jonvic Remulla at sinabi pa na siya mismo ang magbubunyag sa publiko kung sino mang kapamilya ang tutulong sa pamangkin.
Matatandaan ding nanawagan ang maraming netizen sa social media na dapat mag-resign na si Boying sa kanyang pwesto.
Pero ipinagtanggol naman siya ni Pangulong Bongbong Marcos at ilang mambabatas na sinabing walang basehan ang pagpapatalsik sa kalihim.
Read more:
Mug shots nina Mark Anthony Fernandez at Juanito Remulla viral na; netizens nakakaloka ang mga hirit
PDEA pinayagang hindi magpa-drug test ang naarestong anak ni DOJ Chief Remulla