Korina Sanchez hindi pa rin sanay matawag na ‘tita’, nakasama ang KathNiel sa El Nido

Korina Sanchez hindi pa rin sanay matawag na 'tita', nakasama ang KathNiel sa El Nido
AMINADO ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na matawag na “tita”.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang eksena kung saan nakasama niya ang isa sa mga popular love team ng henerasyon ngayon, ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).

Nagkita nga sina Korina sa bagong resort na pagmamay-ari ni Kathryn at ng isa pang A-list star na si Piolo Pascual.

Pagkukwento niya, nakipag-bonding siya sa tatlong bigating Kapamilya stars kasama na rin sina Alora Sasam at David Chua.

“Be among stars nga naman pag may time It’s as if nasa alapaap ka when surrounded by the constellations hahaha! In Isla Amara and then in Lime in El Nido I found myself amongst royal celebritydom,” lahad ni Korina.

Ngunit ang talagang tumatak sa veteran broadcast journalist ay ang pagtawag sa kanya nina Kath at DJ ng “tita”.

“Kathryn Bernardo: ‘Hi Tita! Wow why are you so fit?’

“Daniel Padilla: ‘Hi Tita! You know, this is probably the most random place I’d expect to bump into you’,” post ni Korina.

Binati nga rin siya at kinumusta nina Alora at David ba tinawag siyang “madame” at “ate”.

Sey naman ni Korina kay Piolo, sanay naman raw siya ganoong eksena pero ang hindi raw siya sanay ang ang matawag na “tita”.

“That’s your badge of honor, K,” sagot naman ni Piolo sa kanya.

Ikinatuwa naman ni Korina ang hindi pagtawag sa kanya ni Piolo ng “tita”.

Nag-thank you pa nga ang veteran broadcast journalist kay David dahil ate ang itinawag nito sa kanya.

Sey pa ni Korina, “Cheers Alora and KathNiel, you will always be two of my fave people ever.”

Marami naman sa mga netizens ang pumuri sa asawa ni Mar Roxas.

“Parang hindi nman nalalayo itsura mo sa kanila ma’am K, ate ka lng talaga!!!” saad ng netizen.

Sumang-ayon naman si Korina at sinabing, “Yun na nga sana end na sa Ate wag na promote sa Tita.”

Related Chika:
Korina sinupalpal ang basher na nagsabing ‘plastikada’ sila ni Karen: ‘You’re not only misinformed, you’re miserable’

Korina Sanchez itinangging namimirata ng ABS-CBN talents para lumipat sa TV network ni Villar

Korina Sanchez palaban: Kapag ang kausap mo mga walanghiya, kailangan medyo walanghiya ka rin

Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Read more...