Mga anak ni Korina Sanchez nag-field trip sa talyer: The twins are into pagmemekaniko

Mga anak ni Korina Sanchez nag-field trip sa talyer: The twins are into pagmemekaniko

PHOTO: Instagram/@korina

GOOD vibes sa social media ang latest post ng beteranang brodkaster na si Korina Sanchez.

‘Yan ay matapos niyang i-post ang talyer field trip ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

That’s right, mga ka-bandera! Nagpunta ang buong pamilya ni Korina sa isang talyer.

Kitang-kita sa Instagram post ng broadcast journalist ang ilang litrato ng kambal na tila sila pa ang nag-aayos ng sasakyan.

Ang nakakatuwa pa riyan, kinuwento ni Korina na nagdala pa ng sariling mga kagamitan ang magkapatid.

Nabanggit pa niya na ang kanyang asawa na si Senador Mar Roxas ang may pakana ng mga ganitong klaseng lakad.

Sey sa caption, “Ito naman ang eksena namin ng 7:30 am today: field trip sa…Body Shop, in other words, talyer (laughing emoji) Care of Pappi shempre ang ganitong mga lakad.”

“The twins are into pagmemekaniko ok? Ewan lang hanggang saan mararating ng training na ito.

“Pepe en Pilar brought their own tools,” aniya.

Patuloy pa sa caption, “Basta si Mama kumain nalang ng masarap na almusal habang kalikot ang activity nila (heart eyes emoji) Happy weekend pipol!”

Libo-libong netizens naman ang naaliw sa latest post ni Korina at narito ang ilan sa mga nasaba naming komento.

“Ito lang yata mga batang mayaman ang nakikita kong pabayaan ng magulang na maglaro ng kong ano-ano basta hindi delikado. Sana all nalang talaga.”

“Cuteness overload! Walang pakialam sa mundo. Gooo Pepe and Pilar. Part of growing up. Thank you Korina Sanchez – Roxas for sharing this pic.”

“Nakakatuwa naman ang mga bata na to ang daming ganap.”

“Wow! You think of different ways to make them whole…what great parents you truly are!”

Kung matatandaan, February 2019 ipinanganak ang kambal sa Pittsburg sa Amerika.

Unang ipinanganak si Pepe at 5.4 lbs, habang ipinanganak naman si Pilar matapos ang isang oras at 4.10 lbs.

Isang tunay na milagro sina Pepe at Pilar dahil ilang taon pinaplano ng mag-asawa ang kanilang “baby project.”

Read more:

Korina Sanchez hindi pa rin sanay matawag na ‘tita’, nakasama ang KathNiel sa El Nido

Korina sinupalpal ang basher na nagsabing ‘plastikada’ sila ni Karen: ‘You’re not only misinformed, you’re miserable’

Karen kay Korina: Masyado kang nakakatakot noon, so hindi kita makausap…’wag i-deny

Read more...