Xian Gaza kay Barbie: Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin

 Xian Gaza kay Barbie: Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin

NAGBIGAY ng payo ang Pambansang Marites na lalaki na si Xian Gaza sa kanyang “crush” at dating nakaalitang si Barbie Imperial.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nga niya ang naging message niya sa aktres na sangkot sa isang malaking kontrobersiya ngayon.

“Sabi ko kay Barbie, big lesson learned na yan for you. Huwag na huwag ka na ulit magpapadala sa silakbo ng damdamin dahil walang maidudulot yan kun’di kapahamakan lamang,” saad ni Xian.

Pagpapatuloy niya, “Ayan tuloy, nakasuhan ka. Tignan mo ako, utak ginagamit ko at all times. Palaging may kalaban pero hindi nila mabutasan.”

Lahad pa ni Xian, lahat raw ng mga nagiging maling desisyon ng isang tao sa buhay sy nagmumula sa tuwing pinapagana nito ang kanilang mga emosyon na siyang madalas nagiging rason na ikinakapahamak ng isang tao.

“Never let your emotions overpower your intelligence. Never. Kung gusto mo talaga maging successful sa buhay, the right formula is 70% utak and 30% puso,” dagdag pa niya.

Bagamat hindi direktang tinag ni Xian si Barbie ay gets naman ng netizens na ang dalaga ang pinatutungkulan nito.

Matatandaang isa sa mga mainit na pinag-usapan ngayon ng madlang pipol ang diumano’y pisikilan nila Barbie at ng Viva artist na si Debbie Garcia na umabot na nga sa demandahan.

Dinipensahan naman ni Xian ang kaibigan nang lumabas ang isyu.

“Nag-submit ng CCTV footage sa media pero putol para hindi natin makita kung paano niya pinrovoke. Mahinang nilalang. Magaling lang mang-agaw ng jowa,” sey ni Xian.

Hanggang ngayon naman ay nananatiling tahimik at wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Barbie hinggil sa isyu.

Samantala, burado na sa Facebook account ni Xian ang lahat ng kanyang posts na may kaugnayan sa iringan nina Debbie at Barbie.

Related Chika:
Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!

Hirit ni Xian Gaza sa pasabog na Holloween costume ni Barbie: ‘Nakakatakot naman…baka ma-fall ako sa ‘yo’

Xian Gaza nag-sorry kay Barbie Imperial: Nawa’y mapatawad mo ako

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Read more...