Dating ‘Goin’ Bulilit’ Star CJ Navato graduate na: Ya boi made it!

Dating ‘Goin’ Bulilit’ Star CJ Navato graduate na: Ya boi made it!

PHOTO: Instagram/@navatocj

NAKAPAGTAPOS na ng pag-aaral ang dating “Goin’ Bulilit” star na si CJ Navato.

Ang memorable moment ay ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram account.

Makikita sa litrato at video na grumaduate si CJ sa De La Salle-College of Saint Benilde at nagtapos ng Culinary Arts.

Caption pa niya sa post, “It’s official. Ya boi made it! (green heart emoji) Thank you to my family for being with me every step of the way.

“This one’s for you, for God & for the country. Always.”

Nag-comment naman ang ilang kapwa-artista sa post ng actor, gaya nina Jhong Hilario at John Vic De Guzman upang magpaabot ng “congratulatory” message.

Taong 2018 nang ikinuwento ng aktor sa isang interview sa PUSH ang kanyang hilig sa pagluluto.

Chika niya noon, “Ang tagal ko na-realize kasi simula bata ako naging artista na ako so hindi ko alam yung gusto ko gawin talaga in the future until nagka-soul searching din talaga.

“I really want to be a chef. Naging mahilig din ako kasi nanunuod ako ng mga MasterChef, yung mga ganung cooking shows.”

Kwento pa niya, “Actually ang tagal ng path ko to realizing kung ano talaga yung gusto ko gawin sa buhay ko.

“Nag-look back pa ako sa past ko kung ano ginagawa ko, yung mga simula bata ako.

“Naalala ko yung sinasabi ng lola ko na, ‘You don’t overcook the egg, you can eat it malasado.”

Sinimulan ni CJ ang kanyang showbiz career noong 2004 matapos salihan ang reality-based talent competition na “Star Circle Quest: Kids Edition.”

Read more:

Ex-Goin’ Bulilit star Trina Legaspi buntis na sa 1st baby: It’s not a prank anymore!

Ex-Goin’ Bulilit star John Manalo magpapa-raffle ng luxury items para sa kaibigang writer na may sakit

Belle Mariano nakapasok agad sa ‘Goin’ Bulilit’ kahit hindi dumaan sa audition, anyare?

Read more...