MAY international appearance ulit ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista matapos ang kanyang cameo sa isang reality series ng Netflix.
This time naman, siya ay tampok sa romantic comedy movie na “The Wedding Hustler.”
Ibinandera ng Filipino-American Director na si Chris Soriano ang trailer ng nasabing pelikula sa YouTube noong October 29.
Mapapanood sa bandang huli ng pasilip ang aktres na nakikipag-video call sa Singaporean TV personality na si Kane Lim habang nagbibigay ng love advice.
Heto pa nga ‘yung linya ni Heart sa trailer, “Well, you know what, love is love.
“Now, if they really love each other, they’re going to work it out.”
Relatable sa iilan ang kwento ng “The Wedding Hustler” dahil tungkol ito sa isang couple na naudlot ang kasal dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong Oktubre nang kinumpirma ni Heart na mayroon siyang cameo appearance sa third season ng seryeng “Bling Empire.”
Tungkol naman ‘yan sa party adventures ng mga mayayamang Asian at Americans.
Kahit ang fashion mogul ay na-excite sa kanyang cameo at lubos na pinasasalamatan ang mga nakasama niya sa nakaraang serye.
Sey pa nga niya, ““It was a fun cameo.
“Thank you Bling Empire for the sweetest party to Kane and Kelly you are angels :)”
It was a fun cameo 🤍 thank you Bling Empire for the sweetest party 🙂 to Kane and Kelly you are angels 🙂 https://t.co/2P99p5Opo2
— LoveMarie O. Escudero (@heart021485) October 5, 2022
Matatandaang 13 years old si Heart nang magsimula siya bilang aktres at model.
Naging katambal pa niya ang aktor na si John Prats sa ilang TV show, kabilang na riyan ang “G-mik,” “Trip,” “Ang Tanging Ina,” “My First Romance,” at “Berks.”
Taong 2015 naman siya ikinasal sa senador na si Chiz Escudero.
Read more:
Heart Evangelista basag sa dental hygienist dahil sa paggamit ng ‘teeth whitening pen’
Heart Evangelista dinedma nga ba ang birthday ni Chiz Escudero: ‘Wala man lang greetings, kumare?’