Debbie Garcia suportado ng Viva Artists Agency, naghain ng kaso laban kay Barbie Imperial

Debbie Garcia suportado ng Viva Artists Agency, naghain ng kaso laban kay Barbie Imperial
NAGPAKITA ng pagsuporta ang Viva Artists Agency sa isa sa kanilang talent na si Debbie Garcia ukol sa kinakaharap na kontrobersya.

Naglabas na nga ang agency ng official statement hinggil sa pangyayari na talagang mainit na pinag-uusap man ngayon sa social media.

Matatandaang trending ngayon sa social media sina Debbie at Barbie matapos kumalat ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng dalawa sa isang bar sa Quezon City.

Agad ngang nagpunta ang Viva contract actress sa Kamuning police station upang magpa-blotter at magbigay ng kanyang salaysay hinggil sa pangyayari.

At ngayong araw nga ay nagdesisyon si Debbie na pormal itong maghain ng reklamo laban kay Barbie Imperial.

Grave oral defamation, grave slander by deed, at slight physical injury ang mga kasong isinampa ng Viva artist sa Department of Justice ng Quezon City matapos ang nangyari sa pagitan nila isang bar noong Biyernes, Oktubre 28.

At bilang tanda ng suporta kay Debbie ay naglabas na nga ng official statement ang Viva Artists Agency.

“Viva Artists Agency (VAA) does not condone any act of violence.

“VAA therefore supports it’s artist, Debbie Garcia, in peeking, legal action against her a soccer in an incident of violence last October 28, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City. Debbie is Seth, the lodge, a complaint against the other person with the assistance of her counsel on November 2, 2022 (Wednesday).

“VAA believes that Debbie has at the receiving end of physical and verbal attacks in the said incident. VAA however kindly asks the public to refrain frim further circulating copies of the video recording of the said incident on social media ans allow matter to be resolved legally.”

Naglabas na nga rin ang sexy actress ng kanyang pahayag hinggil sa isyu.

“I have already filed the complaint. Any comment on my end moving forward will be released through my legal counsel,” saad ni Debbie.

Hanggang ngayon naman ay wala pa ring pahayag si Barbie ukol sa isyung kinasasangkutan.

Related Chika:
Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Xian Gaza ipinagtanggol si Barbie Imperial laban kay Debbie Garcia: Magaling lang mang-agaw ng jowa!

Read more...