Rebelasyon ni Sharon: Hindi talaga pwedeng humingi sa akin ng wallet, dahil…

Rebelasyon ni Sharon: Hindi talaga pwedeng humingi sa akin ng wallet, dahil...

Sharon Cuneta

MAY isang rebelasyon si Megastar Sharon Cuneta kung bakit itinigil na niya ang pagreregalo o pamimigay ng wallet sa kanyang mga kaibigan at kakilala.

Ayon kay Shawie, hindi na raw siya basta-basta nagbibigay ng wallet lalo na sa mga taong personal na nanghihingi sa kanya nito.

Sa latest YouTube vlog ng award-winning singer-actress at TV host, ipinaliwanag nga niya sa kanyang fans and social media followers ang tungkol dito.

Sey ni Mega, marami raw ang nagsasabi sa kanya na halos lahat ng niregaluhan niya ng wallet ay umasenso at gumanda ang buhay.

“Hindi talaga pwedeng humingi sa akin ng wallet. Kailangan isang araw, maramdaman ko lang kung bibigyan kita ng wallet.

“Kasi noong araw, meron mga naka-discover na kapag binigyan ko daw ng wallet, medyo umaasenso sila ng konti,” kuwento ng misis ni Kiko Pangilinan.

Chika pa ni Sharon, baka raw coincidence lang ang pag-asenso ng mga niregaluhan niya ng wallet. Naniniwala pa rin daw siya na nasa tao pa rin kung gusto niyang magkaroon ng maayos at magandang buhay.

“Di ko alam kung totoo yun or coincidence lang naman pero hindi pwedeng hinihingi sa akin dapat naiisip ko lang ibigay,” sabi pa niya.


Samantala, nagbigay din ng tip si Shawie sa madlang pipol sa paglalagay at pag-aayos ng perang papel sa wallet. Aniya, kailangan daw yung front side ng pera ay nakaharap sa likuran.

“Sabi kasi ni Mommy (ang yumaong si Elaine Cuneta) kapag nakaharap palabas (malas). If you respect your money, well it respects you too,” sey ng nag-iisang Megastar.

Sa isang panayam, nagbigay din ng advice si Mega tungkol sa pagse-save ng money. Aniya, “Ang tao hindi yumayaman sa kinikita niya lang. Yumayaman tayo sa naiipon natin.”

“If you earn P10,000 but your expenses amount to P8,000, and you spend half of that on luxury items, then you need to review your priorities.

“Naiintindihan ko na ang necessities pa lang, nakakaubos na ng kita, but you really have to pay yourself first. Ipon ka muna,” sabi pa niya.

Nawalang wallet ni Chito naibalik na, walang bawas: Marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo

Laman ng wallet ni Cassy ibinuking ni Carmina: Laging gulu-gulo, super dami ng coins!

Donnalyn may nakakalokang secret, nag-iiba ang kulay ng mata: Depende sa mood ko

Read more...