WALANG nararamdamang kahit kaunting selos ang viral online seller at Kapamilya comedienne na si Madam Inutz kapag may mga nagkakagusto o lumalandi sa kanyang boyfriend.
Ibinandera ng komedyana at dating “Pinot Big Brother Kumunity Season 10” housemate sa madlang pipol na macho dancer ang dyowa niyang si “Tantan” sa isang gay bar sa Quezon City.
Ang vlogger at talent manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino ang may-ari ng gay bar na pinatatrabahuan ni Tantan.
Alam daw ni Madam Inutz na dahil sa pagiging macho dancer ng kanyang dyowa ay maraming beki ang lumalapit at nagkakainteres sa Tantan. Pero sey ni Madam Inutz, may tiwala naman siya sa binata.
“Ika nga, hangga’t sa iyo umuuwi, wala kang dapat ikagalit. Tiwala lang talaga saka pang-unawa. Kasi unang-una, dun ko siya nakilala, e. Di ako selosang babae,” ayon kay Madam Inutz sa isang panayam.
Sinagot din ng komedyana ang chika na siya ang bumubuhay kay Tantan pati na sa dalawang anak nito sa dating karelasyon.
“Yun ang tingin ng tao, hindi natin maalis iyan. May work siya sa bar saka nagsasama kami sa pagba-vlog. Kahit paano nasisingit na rin siya,” aniya pa.
In fairness, parang tunay na nanay na rin daw ang turing sa kanya ng mga anak ni Tantan, “Parang tropa-tropa lang kami. Ang bonding namin ay kumain, ilabas ang mga bata. Yung anak niya is six saka four years old, sa akin 15, saka eight.”
“Parang nanay na rin nila ako. Sa laki ba naman ng hinawakan kong sakripisyo at in-embrace ko na family ko, anak niya pa kaya? Kasi once na nagmahal ka, kasama pati pamilya niya,” sabi pa ni Madam Inutz.
Tungkol naman sa paglagay sa tahimik, “Sa kasal, hindi pa ako naglu-look forward sa ganun, kasi siyempre napakadali namang anuhin nu’n.
“Kung gusto mong planuhin, mangyayari at kaya mong gawin. At the moment kasi, ine-enjoy namin yung moment na mayroon kami ngayon. Siyempre priority pa rin namin pamilya pa rin.
“Ang dami ko pang gustong gawin sa trabaho ko. Masaya kami at the moment,” sabi pa niya sa naturang panayam.
Samantala, tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bukod sa pag-aartista, “Nagla-live selling pa rin ako, alahas naman ngayon. Okay naman, kahit papaano nakakakuha pa rin ng panggastos, pantustos, so never ko talaga ititigil yun.
“Mawala man ako sa industriya, ang pagla-live selling ko nandiyan pa rin. More on business po ako talaga. Yung mga alahas galing Saudi, Japan. May lalabas din akong rejuvenating, beauty products,” sabi pa ni Madam Inutz.
Read more: