Selena Gomez nagpositibo sa COVID-19: A friendly reminder, covid is still out there…

Selena Gomez nagpositibo sa COVID-19: A friendly reminder, covid is still out there…

PHOTO: Instagram/@selenagomez

NAGPOSITIBO sa COVID-19 virus ang American singer at aktres na si Selena Gomez.

Ibinahagi mismo ni Selena ang kanyang kondisyon sa pamamagitan ng Instagram stories.

Ibinandera niya sa IG ang kanyang litrato na makikitang nagpapahinga.

May caption pa ito na kasalukuyang siyang nagpapagaling at nagiging maayos naman ang pakiramdam.

Kaugnay rin nito, inanunsyo ng singer-actress na kanselado ang kanyang “guesting” sa talk show na “The Tonight Show Starring Jimmy Fallon” dahil sa siya’y may sakit.

Nagpaalala pa siya sa publiko na laganap pa rin ang COVID-19 at dapat daw ay magpaturok na ng booster shot para sa dagdag na proteksyon panlaban sa virus.

Caption sa IG story, “I’m not going to be on Fallon tonight.

“I ended up getting covid but am resting and feeling ok.

“A friendly reminder, covid is still out there.

“Get updated on your boosters.

“I was actually scheduled to get mine this week.”

Recently lamang ay naging viral si Selena kasama ang American model na si Hailey Bieber matapos mag-pose sa isang picture na magkasama sa Academy Museum Gala sa Amerika.

Matatandaang nagkaroon ng isyu ang dalawa dahil nagkaroon muna ng relasyon si Selena at ang pop star na si Justin Bieber, bago naging asawa ni Hailey.

Samantala, nag-umpisa sa showbiz career si Selena noong 2002 na kung saan naging tampok siya sa American children Television series na “Barney & Friends” kasama ang international singer na si Demi Lovato.

Ilan din sa mga pinasikat niyang kanta ay ang “Lose You to Love Me,” “Come and Get It,” “Same Old Love,” “Who says,” at marami pang iba.

Bukod pa riyan, nakatakdang ipalabas sa Nobyembre ang kanyang pelikula na “My Mind & Me” na tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na Lupus, pati na rin anxiety at depression.

Read more:

Selena Gomez 4 years nang dedma sa socmed: It has changed my life completely!

Mas nakakahawang COVID-19 Omicron ‘XBB subvariant’, ‘XBC variant’ nasa Pinas na

Chef Jose Sarasola, Maria Ozawa naghiwalay dahil sa COVID-19 pandemic: Hindi naman messy yung breakup 

Read more...