SINAGOT ni Megastar Sharon Cuneta ang mga ibinabatong paratang sa kanya kaugnay ng hindi pagpapapasok sa kanya ng gwardiya sa loob ng Hermès store nang mag-shoppin siya sa Seoul, South Korea.
Sa kanyang latest vlog ay nilinaw niya ang naturang isyu sa luxury store sa ka yang latest YouTube vlog.
Ani Sharon, hindi naman raw siya nagalit sa naturang luxury store maging sa guwardiya.
“I know, of course, I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go…” pagpapaliwanag ng Megastar.
Dagdag pa ni Sharon, nagbabakasakali lamang siya na makapasok sa store dahil may mga pagkakataon naman daw na nagpapapasok ang mga ito kapag konti lang ang shoppers sa loob.
Paglilinaw pa niya, “Because I really, truthfully, do not need anything more from Hermès that I don’t already have. So, hindi po ako na-offend. Naintindihan ko agad yung guard. Wala namang kinalaman yung guard, bakit naman sasama ang loob ko?”
Sinabi rin ni Sharon na hindi naman siya nagyabang sa guard nang bumalik ito sa Hermes dala-dala ang kanyang mga pinamili sa Louis Vuitton.
“Hindi rin ako nagyabang. Kaya sabi ko, ‘Yes, I cannot go [inside]. Look, I bought everything.’ Ginanun ko lang siya, pero nakangiti ako,” paglilinaw niya.
Bukod pa rito, ipinaliwanag rin ni Sharon ang pagkakasama ng “Pretty Woman” video clip sa kanyang naging vlog noong Setyembre kung saan binalikan ng ng karakter ni Julia Roberts ang isang sales assistant at ibinandera nito ang kanyang mga ipinamili.
Sinabihan rin ito ni Julia ng “Big mistake! Big mistake.”
“Isiningit ng editor ng vlog ang scene sa Pretty Woman. Sa mga Sharonian po, nakyutan sila doon and it was not meant to offend anyone…” sey ni Sharon.
Pinabulaanan rin niya ang kumakalat na paratang na nag-e-expect siya ng isang VIO treatment dahil isa siyang kilalang personalidad dahil aware siya na hindi siya kilala sa banyagang lugar.
“Kung meron hong may alam noon, walang iba kundi ako. Siyempre ako ang unang-unang may alam. Na hindi naman po ako bobo. Siyempre, alam ko na wala namang may kilala sa akin sa Korea, kundi Pinoy din. So, parang why will you expect VIP treatment from… first of all, I’m not the type, okay?” lahad ni Sharon.
Nais lamang daw niya na magkaroon ng tama at maayos na pagtrato sa kanya.
“I just like fair treatment. Ayoko ng injustice. Ayoko ng kaya hindi ka pinapapasok kasi may discrimination,” dagdag pa ni Sharon.
Pag-uulit niya, wala siyang sama ng loob sa luxury brand at hindi siya nagalit sa mga ito dahilan para mag-shopping siya sa Louis Vuitton.
Pakiusap rin ni Sharon, “Let’s forget about that na. Nakakahiya naman. Wag na nating silang istorbohin, di ko alam kung bakit lumaki iyon.”
Related Chika:
Sharon Cuneta nilait-lait ng mga Koreano, latest vlog nasa South Korean news site
Sharon Cuneta hindi pinapasok sa Hermes store, namakyaw sa Louis Vuitton: I bought everything!