BUKOD sa naging tradisyon na ng mga pinoy ang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay tuwing undas, nagiging daan din ito para magkasama-sama ang isang pamilya.
Inaasahan na libo-libong mga Pilipino ang bibisita sa mga sementeryo ngayong taon, lalo na’t medyo nag luwag na sa minimum health protocols ang gobyerno ngayong pandemya.
Ito ang unang Undas na kung saan ay ipinapatupad na ang “optional” na ang paggamit ng face mask sa labas o open spaces.
Para maging maayos at manatiling ligtas ang mga bibisita sa mga sementeryo, narito ang “protocols” o gabay na ipatutupad ng ilang lokal na pamahalaan:
Manila
Inanunsyo ng Manila Public Information Office na mananatiling bukas ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery sa Sabado, October 29 hanggang Miyerkules, November 2 simula 5:00 AM hanggang 5:00 PM.
Ibinandera na rin nila sa social media ang ilan sa mga bawal dalhin sa loob ng sementeryo, kabilang na riyan ang matutulis na bagay, alcoholic beverages, flammable materials, at marami pang iba.
Pasig City
Magpapatupad ng “no face mask, no entry” ang Pasig City sa mga sementeryo, memorial parks at columbaria.
May ibinandera rin silang schedule para sa operating hourse ng bawat sementeryo sa kanilang lugar.
Cavite
Magtatayo ng “command posts” ang Cavite sa mga sementeryo sa kanilang lungsod at sa pamamagitan ng kanilang programang “kAAlalay sa Undas” ay mabibigyan nila ng libreng serbisyo ang mga bibisita sa sementeryo.
Kabilang na riyan ang charging station, libreng text at call, libreng kape at tubig, wheelchair assistance, at marami pang iba.
Cebu City
May inilunsad naman na “Oplan Kalag-Kalag” sa Cebu City na ipapatupad simula October hanggnag November 5.
Base sa guidelines mananatiling bukas ang mga sementeryo simula 5 AM hanggang 6 PM at ang mga pwede lang pumasok ay ‘yung mga kumpleto na sa bakuna kontra COVI-19 nasa edad 18 hanggang 65.
Nililimitahan din ng Cebu City ang mga bibisita sa mga sementeryo.
On Wednesday, October 26, Cebu City Mayor Mike Rama also issued Directive No. 10-26-22-01 also referred to as Oplan Kalag-Kalag. (Photo from Cebu City PIO) @rapplerdotcom pic.twitter.com/U0fhULgfCL
— John Sitchon (@TheJohnSitchon) October 27, 2022
Davao City
Striktong ipatutupad ng Davao City ang pagsunod sa minimum public health standards, lalo na ang pagsuot ng face masks.
Ipinagbabawal din ng lokal na pamahalaan ang overnight stay sa mga sementeryo at pagpapatugtog ng malakas na musika.
Read more:
Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon
Metro Manila LGUs hinikayat na isara ang mga sementeryo sa Undas
WATCH: Mag-inang caretaker ng mga puntod apektado ng pagka-‘todas’ ng Undas