TALAGA namang advance mag-isip ang celebrity at entrepreneur na si Neri Miranda dahil kahit bata pa lang ang kanilang mga anak ni Chito Miranda ay inaayos na niya ang future ng mga ito.
At sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya kung ang kanyang ginawa para siguraduhing magiging maayos ang kinabukasan ng kanilang anak na si Cash.
“Nalagay na namin ang money ni Cash sa banko! Salamat sa lahat ng napakagenerous ninongs and ninangs ni Cashypie,” pagbabahagi ni Neri.
Dagdag pa niya, bukod sa paggawa ng savings account ay bumili ito ng insurance para sa anak.
“At nakakuha na rin ako ng 2 insurance si Cash. Isa pang stocks at isa life insurance,” sey pa ni Neri.
Aniya, ang main reason sa kanyang mga ginagawa ay para hindi umasa ang mga ito sa magiging sustento ng kanilang mga anak in the future.
“Para kapag seniors na sila, di sila maghihintay ng ibibigay ng mga magiging anak nila.. kukunin na lang nila sa insurance nila. O di ba? Sobrang advance ako mag isip? Hanggang sa pagiging senior nila, gusto ko naka ayos na, WAIS eh!” hirit pa ni Neri.
Plano rin niyang ituro sa kanyang mga anak ang kanyang wais hacks para naman gawin rin ng mga ito ang kanyang ginagawa kapag may mga sarili na silang pamilya.
“Ituturo ko rin sa mga anak namin na ganun din ang gagawin para sa mga anak nila para mas panatag sila na magiging ok ang kinabukasan ng mga bata,” sabi ni Neri.
Nabanggit rin nito na kung anuman ang kinikita ng kanyang mga anak sa endorsements nito ay talagang hinahati niya para sa savings nito at investments.
“Kung ano man ang kinikita ng mga bata, hinahati ko. Nilalagay ko sa banko nila, inihuhulog ko sa insurance nila, at iniinvest ko sa property o negosyo. Para income generating, may property na rin, at insured sila. Inaayos ko na talaga yung future ng mga bata,” paglalahad pa ni Neri.
Nagbigay rin ng payo ang asawa ni Chito Miranda sa mga kapwa magulang niya sa pag-aayos ng future ng kanilang mga anak.
“Ang trabaho nating mga magulang, ang siguraduhin magiging maayos sila hanggang sa pagtanda. Wag na wag natin iisipin na kesyo pinag aral natin sila ay sila na ang bahala sa atin sa pagtanda,” paalala ni Neri.
Pagpapatuloy pa niya, “Wag na wag natin iisipin na kesyo pinag aral natin sila ay sila na ang bahala sa atin sa pagtanda. Hayaan natin silang mag grow at mahanap nila yung buhay na gusto nila. Andito lang dapat tayo anytime na kakailanganin nila tayo, to love and guide them. At unang unang taga suporta sa kanila.”
Related Chika:
Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya
Neri Miranda kilig na kilig sa ‘Idol’ contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer!
Neri Miranda sinagot ang reception ng bride na na-scam ng wedding coordinator: Kami na bahala sa ‘yo