NAWALA lang daw sa kanyang sarili ang lalaking Marites na si Xian Gaza kaya kung anu-ano ang pinagsasabi niya nitong mga huling araw.
Ito’y base na rin sa latest post niya ngayong hapon sa kanyang FB page. Aniya, “I just want to apologize to my 1.6 million followers dahil naging sobrang toxic ako for the last two days.
“I am highly aware and I’m very sorry. Babawi po ako sa mga susunod na linggo and I promise na marami kayong mapupulot na makabuluhang bagay sa akin,” pahayag ng online personality.
Sinundan pa niya ito ng, “I have peace of mind sa mga messages ko sa inyo at hindi ko kailangang mag-unsend dahil yung sinasabi ko sayo harap-harapan ay siya ring sinasabi ko kapag nakatalikod ka.”
Inamin din ni Xian na kaya sobra siyang apektado sa gusot ng kaibigang influencer na si Zeinab Harake laban sa negosyante at talent manager cum vlogger na si Wilbert Tolentino ay dahil gusto niyang pangalagaan ang mental health nito.
Aniya, “Tapos na ‘yung show after 48 hours. ‘Yun na yon. That’s it. Sa sobrang dami ng issue na aking kinasangkutan at sinawsawan for the last 5 years eh para na lang akong naglalaro ng chess.
“Kabisadong-kabisado ko na yung flow of events. Alam na alam ko na yung mga galawan from A-Z.
“May nasisirang buhay from time to time habang ako ay….. alam niyo na ‘yun. Kitang-kita niyo naman. Always like that. Tomorrow is back to normal Facebooking. Parang wala na namang nangyari,” ani Xian.
“Ang panalangin ko na lang eh sana maka-recover agad si Zeinab mentally. Sa akin kasi eh, parang laro lang ang lahat. Naglilibang lang ako. Good vibes lang. But to her, it hits different.
“Sobrang nakaka-trauma. Sana maging okay na siya. Salamat sa napakaraming views, reacts and comments for the last 2 days. It’s very good for my mental health. Good night,” pahabol pa niya.
* * *
Hallo-WIN daw ang ganap sa Cignal Entertainment Showbiz Caravan na gaganapin sa Starmall Edsa Shaw sa Mandaluyong ngayong Sabado, Oktubre 29.
Magsasama-sama ang mga stars ng iba’t ibang Kapatid shows para sa isang Halloween party na puno ng pa-premyo at entertainment sa mga dadalo.
For the first time ever, magsasama-sama sa isang stage ang mga cast ng original Cignal Entertainment offerings sa TV5 na Sing Galing, Suntok Sa Buwan, Sing Galing Kids, Oh My Korona, at Kalye Kweens.
Magbubukas ang event center ng 1 p.m. para ma-try na ng crowd ang iba’t-ibang booths at manalo ng mga pa-premyo. Tampok dito ang Reelstars booth kung saan on-the-spot makakagawa ang mga mall goers ng sarili nilang Reels at magkakaroon rin ng chance na bumida sa isang Reelserye.
Magsasama-sama sa kantawanan, sayawan at chikahan sina Morissette, Rey Valera, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua at marami pang iba. Mangungumusta rin ang Reelfriend na si Katkat Manimtim mula sa Reelverse, at all-out performances naman ang ihahatid ng Singtokers na sina Ari G, Daniel, Yanyan, at Gab. Kasama rin sa line-up ang rising P-pop girl group na BLVCK ACE.
Magsasama-sama sa kantawanan, sayawan, chikahan, at pakiki-maritesan sina Morissette, Rey Valera, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua at marami pang iba. Mangagamusta rin ang Reelfriend na si Katkat Manimtim mula sa Reelverse, at all-out performances naman ang ihahatid ng Singtokers na sina Ari G, Daniel, Yanyan, at Gab.
Related Chika:
Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?
Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!
True ba, gagawin nang 10 ang pelikulang maglalaban-laban sa MMFF 2022?