Kris Aquino nagpapalakas na, patuloy na nadadagdagan ang timbang: ‘Napaka-powerful talaga ng prayers’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kris Aquino, Joshua at Bimby Aquino
BUKOD sa patuloy na pagpapagamot at pagsunod sa bilin sa kanya ng mga doktor, isa pa sa dahilan ng unti-unting pagbuti ng health condition ni Kris Aquino ay ang pagdarasal.
Naniniwala ang mga taong nagmamahal sa Queen of All Media na napakalaking factor sa bumubuting kundisyon ngayon ni Kris ang sama-samang pagdarasal ng lahat ng tagasuporta ng actress-TV host.
Tulad na lang ng naging pahayag ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa kalagaya ngayon ng kalusugan ni Kris na patuloy na sumasailalim sa ilang medical treatments sa Amerika.
Sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel nabanggit ni Papa O (tawag namin sa kanya) na nadagdagan na ang timbang ng TV host while undergoing treatment sa Los Angeles para sa kanyang autoimmune disease.
Sey ni Ogie, nasa 90 pounds o 41 kilograms na ang timbang ngayon ng nanay nina Joshua at Bimby. Ito’y matapos kumpirmahin ng kapatid ni Kris na si Ballsy Aquino last August na wala pang 90 pounds ang weight ng aktres.
“Tumataas. Parang dati kasi naalala natin ‘di ba, nung sinabi ng ate niya na she’s not even 90 pounds. Eh ngayon, 90 pounds na siya. Wow!” sabi naman ng co-host ni Papa O na si Mama Loi
“Nakakabuti sa kanya. So si Kris ay kumbaga nagpapalakas, nagpapadagdag pa lalo ng timbang,” ani Ogie.
“Kaya jusko, napaka-effective po ng ating prayers. So continue praying for Kris’ recovery,” aniya pa.
Noong nagdaang August nga ay sinabi ni Ballsy na apat na autoimmune conditions na ang iniinda ni Kris habang nagpapagamot sa US.
“For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger,” aniya.
Makalipas ang isang buwan, sinabi naman ni Kris na may “physical manifestations for a possible 5th autoimmune condition.”
“I didn’t want to post until i had clarity about my health situation. Maraming salamat po because i know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that i get better.
“There have been times i wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability (since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…
“BUT i remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up.
“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy. i was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.
“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the Philippines i was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that i was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th- opo, pinakyaw ko na!” ang huling post ni Kris sa Instagram.