Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa 'yo sa likod, believe me masakit talaga!

Zeinab Harake at Valentine Rosales

WALA mang binanggit na pangalan ang online personality na si Valentine Rosales sa latest post niya sa Facebook, naniniwala ang mga netizens na patungkol ito sa issue nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.

Nag-post kasi si Valentine ng cryptic message sa kanyang FB account hinggil sa “mga kaibigang backstabbers” sa gitna ng bardagulan nina Wilbert at Zeinab sa social media.

Isa sa naging ugat ng bangayan ng dalawang content creator ay ang isyu ng “panggagamit” at pagiging “traydor” sa pagitan ng mga magkakaibigan.

Sa kanyang Facebook post, nabanggit nga ni Valentine na may mga pagkakataon na mismong mga kaibigan pa natin ang “titira sa likod” at matindi raw ang sakit ma dulot nito.

Sabi niya, “Balang araw kaibigan mo din ang titira sayo sa likod. Believe me Masakit talaga!”

Umani naman ito ng mga nakakaloka at nakakaaliw na mga comments mula sa netizens kung saan karamihan sa mga ito ay naglagay ng malisya at sekswal na kahulugan.

Kaya ang sumunod na reaksyon ni Valentine ay, “Bat kayo tumatawa napaka dumi niyo talaga mag isip Hayufff.”


Hirit pa niya sa mga mahilig makitsismis, “Wag na kayo maki-Marites, kung ako sa inyo unsend n’yo na lahat ng masamang sinabi n’yo sa GC at Convo sign niyo na to!”

Samantala, tumaas naman daw ang respeto niya kay Zeinab matapos mag-issue ng public apology sa lahat ng nasaktan niya sa mga nagawa niyang sablay. Super ekis (X) naman ang hatol niya sa mga taong tumutulong pero nanunumbat naman sa huli.

“Ekis sa taong tutulong tapos i-susumbat. Hilig pa mag-screenshot. Very backstabber ng peg Amaccana Accla. Dun tayo sa marunong humingi ng Kapatawaran at umamin sa pagkakamali.

“Tumaas respeto ko sayo Zeinab. Lahat ng tao nagkakamali pero hindi lahat kaya umamin at humingi ng dispensa. Malalagpasan mo rin yan Girl,” message ni Valentine kay Zeinab.

Kung matatandaan, tinalakan ni Valentine si Zeinab noong mabalita  na sinipa umano ng dalaga ang kaibigang si Aira Mae Lipata sa loob ng isang club.

Nangyari umano ito noong  kasagsagan ng isyu sa pagitan nina Zeinab at ex-partner na si Skusta Clee kung saan nadamay nga si Aira.

Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko

Barbie Imperial sa kanyang ‘worst’ Valentine’s Day: No choice but to move on talaga

Read more...