Diego hindi in-expect na magiging member ng ‘Bubble Gang’, paano nga ba siya na-discover nina Bitoy?

Diego hindi in-expect na magiging member ng 'Bubble Gang', paano nga ba siya na-discover nina Bitoy?

Diego Llorico at Michael V

HINDI na-imagine ng Kapuso comedian na si Diego Llorico na mapapasama siya sa longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang.”

Bago pa makilala si Diego bilang isa sa mga pambentang komedyante ng GMA 7 ay nagtatrabaho na siya sa production ng ilang Kapuso show.

Sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” ng “Eat Bulaga” kung saan naging isa sa mga choices si Diego ay naikuwento nga niya kung paano siya na-discover at nagsimula sa “Bubble Gang.”

Aniya, bago pa siya lumabas bilang extra sa nasabing gag show ng GMA ay bahagi na talaga siya noon ng production.

“Nagtatrabaho naman ako sa office, pero, mga one year lang, na-discover na ako ng GMA.

“Nag-umpisa ako as PA (production assistant) sa ‘Bubble Gang,’ tapos naging segment producer. Tapos ngayon associate producer. So, tuloy-tuloy pa rin ‘yung pag-o-office ko,” pagbabahagi ng komedyante.

Sey ni Diego, hindi naman niya talaga in-expect na magiging bahagi siya ng Bubble Gang at makikilala bilang TV star, “Nu’ng una hindi ko inisip na lalabas ako sa TV.”

“Bale may mga role kasi, alam mo naman ‘yung mga artista, gaganda ‘di ba? Ayun, tapos, may role na parang tingin nila bagay sa akin.

“So, sinubukan, tapos parang, tuwing may mga ganu’ng role ako na ‘yung lalabas,” aniya pa.


Natanong din siya ng isa sa mga host ng “Eat Bulaga” na si Jose Manalo kung nagustuhan ba niya agad ang mga unang linggo ng paglabas niya sa “Bubble Gang”.

“Nu’ng una, tamang ano lang, ‘Okay na yan pamasahe rin,'” ang natatawang biro ni Diego na todo ang pasasalamat sa leader ng “Bubble Gang” na si Michael V na itinuturing din niyang mentor sa larangan ng comedy.

Pero sey ni Diego, kahit patuloy siyang napapanood sa gag show ng GMA ay focus pa rin siya sa bilang bahagi ng production.

“Hanggang ngayon. Ang isip ko sa production pa rin, tsaka, siyempre kung ano ‘yung ikadadali ng taping. Kung ano ‘yung mas ikaluluwag ng bawat isa. Doon lang ako,” paliwanag ni Diego.

Sinu-sino ang mga natsugi sa ‘bagong version’ ng Bubble Gang ngayong 2022?

Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’

Paolo inatake ng nerbiyos sa ‘Bubble Gang’ revamp; mas maraming pasabog sa bagong version

Read more...