‘Generational wealth’ ni Kryz Uy fake news; dinenay na bumili ng aso sa halagang P230k para sa anak

'Generational wealth' ni Kryz Uy fake news; dinenay na bumili ng aso sa halagang P230k para sa anak

Kryz Uy at Slater Young

TAKANG-TAKA ang celebrity vlogger at social media influencer na si Kryz Uy sa mga naglabasang chika na super-super rich ang kanyang pamilya.

Mariing pinabulaanan ng misis ng dating aktor at “Pinoy Big Brother” big winner na si Slater Young ang tsismis na ine-enjoy niya nang bonggang-bongga ang kanyang “generational wealth”.

Sa nakaraang episode ng “Sky Podcast” ng mag-asawa, nilinaw nga ni Kryz ang tungkol dito kung saan dinenay nga niya ang pagkakaroon ng limpak-limpak na salapi.

Feeling ni Kryz, nagsimula ang tungkol sa “generational wealth” nang mag-post siya sa Instagram story tungkol sa napakamahal na aso na gustong bilhin ng kanyang anak.

“So Scottie and I went dog shopping. One time we were driving, and he really forced me to go down.


“So we went to this dog store, and he fell in love with all the dogs there, particularly this teacup shih tzu puppy that was P230,000. It was so expensive and Scottie kept bugging me to buy it,” sabi pa ng vlogger.

Ani Kryz, kailangang klaruhin daw niya ang issue dahil nga nag-viral na ito sa iba’t ibang social media platforms tulad ng TikTok at Twitter. Sabi pa nga ng mga netizens sana raw matulad sila kay Kryz Uy.

“A lot of people misinterpreted it and thought I bought the dog, 230,000? I just couldn’t wrap my head around it. I asked (my editors), ‘What’s happening? Bat akala ng mga tao may generational wealth ako?'” aniya pa.

Paglilinaw ng misis ni Slater, hindi raw niya binili ang aso kahit pa gustung-gusto ito ng kanyang anak, dahil unang-una, hindi raw talaga niya ito afford.

Dagdag pa ni Kryz, hindi rin totoo na nagmamay-ari sila ng napakaraming business sa Cebu kung saan sila naka-base ni Slater. Mga pinsan daw niya ang may negosyo roon.

Kryz Uy ipinanganak na ang kanilang baby no. 2 ni Slater: He made it!

Slater Young, Kryz Uy nasalanta ng bagyong Odette, nanawagan ng karagdagang tulong

Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube

Read more...