‘Ms. Q&A Queen of the Multibeks’ Anne Patricia Lorenzo nag-sorry sa naging sagot tungkol sa mga ‘tanga’

Ms. Q&A Queen of the Multibeks Anne Patricia Lorenzo nag-sorry sa naging sagot tungkol sa mga 'tanga'

Anne Patricia Lorenzo

NAG-SORRY na ang itinanghal na Ms. Q&A Queen of the Multibeks ng “It’s Showtime” na si Anne Patricia Lorenzo sa lahat ng na-offend sa naging sagot niya sa grand finals ng contest.

Ayon kay Anne, hindi niya in-expect na siya ang makakakuha ng titulo at korona ng Ms. Q&A Queen of the Multibeks 2022.

“Parang 25% pa lang nagsi-sink in kasi parang nasa-cloud nine pa rin ako hanggang ngayon. Feeling ko totoo bang nangyari ito?” ani Anne sa panayam ng “Sakto” ilang araw matapos ang naganap na “Queen-finity War” grand finals.

Pero kasunod nga nito ang pambabatikos at pangnenega sa kanya sa social media nang dahil sa kontrobersyal niyang sagot sa final question and answer segment ng kumpetisyon.

Ang tanong kay Anne Patricia sa final chukchak, “Naniniwala ka bang may taong tanga?”


“Naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali. Nilikha tayong matalino pero choice nating magpakatanga.

“Tulad na lamang sa pagpili ng mga pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan. Pero nagpapadala tayo sa matatamis na salita,” aniya pa.

Kaya naman humingi siya ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa kanyang naging sagot.

“Kasi nga siyempre sabi nila parang different people have different points of views and opinions. So ako nilabas ko lang ‘yung sa akin.

“So sorry po, wala po akong pinapatamaan or anything. Basta ‘yun lang po ang nasa puso ko at that time. Kaya ‘yun po ang sinabi ko, ‘yun ang sinagot ko,” aniya pa.

Bukod sa bago niyang titulo, siya rin ang itinanghal na first runner-up sa Miss International Queen Philippines 2022. SiFuschia Anne Ravena ang nakakuha ng korona sa nasabing beauty pageant.

Dennis nagpaka-fan boy kay Korean director Bong Joon-ho; Patricia napiling host ng ‘Dapat Alam Mo!’

Hugot ni Vice Ganda sa grand finals ng ‘Idol PH’ patutsada ba kay Zephanie Dimaranan?

Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding

Read more...