Wala po talagang dahilan kung ba’t ako absent sa Showtime, tinamad lang ako…at totoong may issue kami, OK na, happy!?

NAWINDANG, naloka at shookt ang mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa “tunay” na dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime.”

Sunud-sunod ang naging post ng TV host-comedian sa kanyang Twitter account kung saan inisa-isa nga niya ang mga rason kung bakit wala siya sa grand finals ng “Miss Q&A” segment ng “Showtime” last Saturday.

Ito’y matapos ngang maglabasan ang kung anu-anong espekulasyon ng mga netizens about his absence sa Kapamilya noontime show these past few days.

“Totoo po lahat ng mga nasa isip nyo. Wala naman po talagang dahilan kung bat ako absent last sat. Tinamad lang ako talaga.

“At totoong may mga issues kami ngayon sa showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na,” simulang pahayag ni Vice na tila may tonong pang-aasar.

Sinundan nga ito ng mga “issue” daw sa “Showtime” kabilang na ang chika na magkaaway daw sila ni Anne at ang pagbabardagulan nina Ion Perez at Jhong Hilario. But it turned out, isa lang pala itong “joke, joke, joke!”

Hirit ni Vice, “Una, TOTOONG MAGAKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. Its been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka.

“And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!

“Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Magpartner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na magchoreo dahil mabagal pumick up ng sayaw si Jhong. Di makuha ni Jhong ang step ng LintikNaPagIbig at napikon na si Ion at nagpang abot sila.

“Pangatlo, NAGMURAHAN SI TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa Salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa  studio ng masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nagsorry ito. Ayun minura sya ni Teddy,” pagpapatuloy ni Vice.

May mas matindi pa raw na isyu diyan na kinakaharap ang production, “At eto na nga ang pang apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng showtime.

“Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People…….nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz.

“Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa showtime. Tama ang mga nasa isip nyo. Kaya naman tamad na tamad nakong pumasok. At dahil dyan gusto ko ng magresign. At dahil gusto ko ng magresign ay may contract signing po ako next next week.  Ok na po?? Happy??” ang nakakalokang pasabog pa ng TV host.

Nitong nagdaang weekend, nag-post din si Vice sa Twitter ng mensahe tungkol sa pag-absent niya sa grand finals ng “Miss Q&A” at inamin nga niya na may valid reason sila kung bakit no show siya sa programa.

“Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko.

“Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po!” aniya pa.

Read more:

Vice Ganda iniyakan ang ‘Miss Q&A Kween of Multibeks’ finals: ‘Di ako napayagan for a valid reason

Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa ‘Miss Q&A Queenfinity War’

Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa’t isa, nagbeso nang magkita sa isang event

Read more...