Sophie Albert, Vin Abrenica parehong hands-on sa wedding preparation, may mga pagbabago kaya pagkatapos ikasal?

Sophie Albert, Vin Abrenica parehong hands-on sa wedding preparation, may mga pagbabago kaya pagkatapos ikasal?

Vin Abrenica at Sophie Albert

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actress at celebrity nanay na si Sophie Albert na ikakasal na sila ni Vin Abrenica.

Nag-share ng ilang importanteng detalye si Sophie tungkol sa gaganaping wedding nila ni Vin sa kanilang supporters at social media followers kamakailan.

Super hands on ang celebrity couple sa pag-aayos at paghahanda ng kasal na ipinasilip nila sa kanilang latest vlog sa YouTube.

Mapapanood sa video ang pagpi-fitting ni Sophie ng gown pati na ang pagsusukat nila ni Vin para sa kanilang custom wedding shoes. Naroon din ang eksena kung saan pumipili naman naman sila ng wedding ring.

“We still have a few months to go. We still have a long way to go.

“Until now, hindi pa rin siya (kasal) nagsi-sink in. I don’t know. Honestly kasi, our wedding it’s just going to be like a celebration,” pahayag ni Sophie na wala pang binanggit tungkol sa eksaktong date at venue ng wedding


Ayon pa sa aktres, kahit daw ikasal na sila ni Vin ay wala naman daw siyang ine-expect na pagbabago sa pagsasama nila bilang partners in life. Pero feeling niya, mas marami pa silang pagdaraanang challenges bilang married couple and as parents.

“It’s not going to change anything ’cause we’re already a family, we already live together. It’s mostly just like celebrating the love that we already have.

“Our lives aren’t going to change after the wedding, we’re still gonna come home to the same house,” pahayag pa ng Kapuso star.

Isa pa raw sa nakakapag-excite sa kanya ay ang paggamit ng last name ni Vin pagkatapos nilang ikasal.

Gusto na raw niyang marinig ang pagtawag sa kanya ng Mrs. Abrenica pati na ang pagsusulat nito sa mga mahahalagang dokumento.

“Our situation doesn’t really change anything, my daughter (Ava) has Vin’s last name already, parang what’s exciting lang is for me to have the same last name as my daughter and Vin. That’s what I’m excited about,” sey pa ni Sophie.

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

Sophie Albert isinilang na ang ‘baby princess’ nila ni Vin Abrenica

Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n’yo lagi ang baby n’yo!

Read more...