Tunay na mga doktor, content creators eeksena sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’; Jean walang kakupas-kupas

unay na mga doktor, content creators eeksena sa 'Abot Kamay Na Pangarap'; Jean walang kakupas-kupas

Jean Garcia, Carmina Villarroel at Jillian Ward

ILANG sikat na content creators at real-life doctors ang mapapanood na rin sa hit medical drama na “Abot Kamay Na Pangarap.”

Matutunghayan sa serye si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok.

Mapapanood din soon si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3 million followers sa TikTok at 3.3 million followers sa Facebook.

Recently nga ay nag-post ang dalawang doktor sa kani-kanilang social media accounts ng selfies kasama ang cast ng programa kabilang ang bida rito na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).


Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng youngest doctor sa bansa? Sila ba ay magiging kaaway o kakampi ni Dra. Analyn?

Samantala, talagang marami ang sumusubaybay sa inspiring na kwento ng mag-inang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn dahil mayroon nang 513 million views on TikTok ang serye.

Mula October 10 hanggang 17, nananatili pa rin itong number one Kapuso show sa YouTube with more than 20 million views habang more than 300,000 views naman sa website ng GMA.

Napapanood ang “Abot Kamay Na Pangarap” mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Lalo pang nagiging kapana-panabik ang bawat hapon ng mga Kapuso dahil sa hit GMA Afternoon Prime series na “Nakarehas Na Puso.”

Bida sa seryeng ito ang batikang aktres na si Jean Garcia na puring-puri ng netizens sa husay sa pagganap sa kanyang mga eksena.

Sa teaser na ipinost ng GMA Drama Facebook page, makikita ang nalalapit na pagbabalik ni Amelia (Jean) sa buhay ng kanyang panganay na anak na si Lea (Vaness del Moral). Handa na nga ba si Amelia na muling magpakita kay Lea kahit matindi ang galit nito sa kanya?

Samantala, pilit namang binibigay ni Lea ang lahat para sa kanyang anak na si Nica (Ashley Sarmiento) pero malayo pa rin ang loob sa kanya ng dalaga. Sapat ba ang mga materyal na bagay para maging isang mabuting ina?

Subaybayan ang mas tumitinding eksena sa “Nakarehas Na Puso” tuwing 4:15 p.m., Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Mom ni Jean Garcia, pumanaw na sa Covid-19

Read more...