Sa wakas, PBA cager CJ Perez naka-graduate na sa college ‘after 13 years and 4 universities’

Sa wakas, PBA cager CJ Perez naka-graduate na sa college 'after 13 years and 4 universities'

CJ Perez at

SA wakas, makalipas ang 13 taon, naka-graduate na ang isa sa mga superstar ng Philippine Basketball Association (PBA) na si CJ Perez.

Ibinandera ng cager sa buong universe sa pamamagitan ng social media ang bago niyang achievement sa buhay kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga taong naniwala at sumuporta sa kanya.

Ayon kay CJ o Jaymar Perez sa tunay na buhay at isa sa mga miyembro ng San Miguel Beermeen, hindi siya matatapos sa kolehiyo kung hindi sa motivation ng kanyang pamilya, mga kaibigan at kasamahan sa mundo ng basketball.

Nagtapos si CJ ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Business Management, sa Lyceum of the Philippines University.

Nagbahagi siya ng ilang graduation photos sa kanyang Facebook post last October 19 na may caption na,  “After 13 years and 4 universities, I finally got one degree hotter today!


“Maraming salamat sa LPU community, kay RPL, Boss Andro, mga professors ko, Coach Topex, Ma’am Lani, Dean Sacdalan, Sir Mike Caballero, Ma’am Grace, Boss Emong… salamat na naging part kayo ng college journey ko,” mensahe pa niya.

At siyempre, special mention ang kanyang asawang si Sienna na talagang 100% ang suportang ibinigay sa kanya para mapagsabay niya ang pag-aaral at ang pagba-basketball.

“Sa family ko, sa wife and two kids ko salamat na binigyan nyo ako ng motivation para tapusin ko ang studies ko.

“Boss Alfrancis Chua, eto na may diploma na ako boss! Salamat na pinush nyo ako para tapusin ang aking pag-aaral hindi lang para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko.

“Thank you, Lord, graduate na ako!” sabi pa ni CJ na naglaro rin bilang player ng LPU para sa dalawang season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati para kay CJ mula sa kanyang pamilya, kaibigan, kapwa athletes at socmed followers.

Andre Paras pasok na sa PBA: Gusto ko talagang mag-basketball kaya I’m chasing my dreams…

Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It’s never too late!

Miss Universe PH 2021 Beatrice Gomez nagtapos na sa kolehiyo, ginawaran ng Outstanding Graduate award

Read more...