Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Raymond Bagatsing
NAGKA-TRAUMA pala ang award-winning actor na si Raymond Bagatsing nang dahil sa nangyari sa kanyang nanay at tatay noong bata pa siya.
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit may nararamdaman siyang kaunting takot at pangamba sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.
Nagbahagi ng ilang detalye tungkol sa kanyang personal life si Raymond nang mag-guest siya sa talk show ni Korina Sanchez-Roxas na “Korina Interviews” last Sunday, October 16.
Chika ng veteran actor, taken na siya ngayon at dalawang taon na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na palagi niyang dinadalaw sa Dumaguete.
Tinanong siya ni Korina sa isang bahagi ng panayam kung handa na ba siyang mag-asawa uli, pero kapansin-pansin na hindi siya nakasagot agad at nag-isip nang ilang sandali.
Sa mga hindi pa aware, dalawang beses nang ikinasal si Raymond na parehong nauwi sa hiwalayan. Una niyang pinakasalan ang former actress-model na si Lara Fabregas noong 2001.
Matapos silang maghiwalay ni Lara, nagpakasal uli siya noong November 21, 2008 sa broadcaster na si Cora Pastrana.
Pahayag ni Raymond, “I have a fear of a…nagka-trauma na kasi ako, e. Ang trauma for me coming from a broken family.
“Though hindi kami broken. It’s just a term na hindi nagkatuluyan yung mother and father ko. After five years, just separated, and I think that really affects a child growing up.
“As a child, I was able to bring all those angst and all those trauma into my work. But I feel na kaya ko ba? Kaya ko ba, you know. And I’ve lived like a nomad for so long.
“I was in Australia. Sa Australia ako lumaki. Sa Melbourne, Australia. It was only me and my mother.
“Tapos, I also lived in the US when I was about early 10 years old, and I was supposed to migrate there for work, and I went to Australia, so medyo magulo,” pagbabahagi pa ng premyadong aktor.
“But, marriage, I like to surrender what I want, all my desires, all whatever ambitions. I think, I’m in the process of surrendering that to God’s will.
“And for some reason, when I do that, it they come even if you don’t seek it. So, yung marriage, I think if it’s meant, it will happen,” aniya pa.
Sundot na tanong ni Korina, hindi pa ba siya niyayaya ng kanyang girlfriend na magpakasal, “I do get there. I’m on the process. Grabe! I have to make this work. Para hindi naman masayang ang interbyung ‘to.
“Sorry. That’s a joke! Baka mamaya, awayin ako,” natatawang chika ni Raymond