LABIS ang pasasalamat ng Kapuso star na si Bea Alonzo sa kanyang home network dahil sa tagumpay ng Filipino adaption ng Korean series na “Start Up”.
Sa katunayan, nagkaroon pa nga ng Thanksgiving party para sa mga cast at sa buong produksyon ng programa na mukhang siya mismo ang may pakana na ginanap nitong Biyernes, October 21.
Ibinahagi rin ni Bea sa kanyang Instagram account ang naganap na thanksgiving party at nagpaabot ng pasasalamat sa kasamahan at ka-love team sa teleseryeng si Alden Richards.
“I’m still hungover from our recent THANKSGIVING PARTY for Start-up PH. [heart emoji] Thank you, @aldenrichards02 , for helping me throw this party! Grabe, ang saya!!,” saad ng aktres.
Nagpasalamat rin si Bea sa Kapuso network sa ibinigay nitong oportunidad sa kanya.
“My overflowing gratitude to @gmanetwork for providing me with this wonderful opportunity. Cheers to more exciting projects together!
“Our episodes for Start-Up PH were canned, so matagal nyo pa kaming mapapanood sa GMA Telebabad. Mas marami pang ka-abang abang na mangyayari,” pagpapatuloy pa ni Bea.
Kitang-kita rin naman ang overflowing support na natatanggap ng aktres mula sa kanyang mga tagahanga.
“You deserve all the blessing you have because you have a good heart as well as Alden. Hoping for more projects together,” comment ng isang netizen.
Narito pa ang ilang mga papuri ng madlang pipol para sa aktres.
“Congrats and belated happy birthday my fave actress. God bless always. Enjoy your beautiful trip to Madrid, beautiful soul.”
“So proud of how you gave value to the prod peeps, Ms. Bea Alonzo and I’m even more proud with my crush and ideal man, Alden Richards.”
“Aww, sarap n’yo naman pong katrabaho mam/sir. Iba rin kapag naappreciate nyo yung mga nasa likod ng matagumpay na shows, yung mga staff and crew.”
Related Chika:
Daniel, Kathryn nagpa-thanksgiving sa KathNiel fans: Hindi enough ang pasasalamat na ito sa grabe n’yong pagmamahal
Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…
Bea Alonzo sumabak sa lie detector challenge, inaming ‘most difficult time’ ang 2019