Rachel Peters ikinasal ulit kay Migz Villafuerte: Thank you so so much for being part of yet another milestone in my little life

Rachel Peters, Migz Villafuerte

Rachel Peters, Migz Villafuerte (PHOTO: Instagram/@rachelpetersx)

FOR the second time around, nagpakasal si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters sa asawang si Camarines Sur 5th District Representative Migz Villafuerte.

Sa pagkakataong ito, nangyari ang “intimate wedding” sa Bali, Indonesia.

Ibinandera ng beauty queen ang ilang pictures ng kanyang kasal sa social media at may caption pa itong, “Finally.”

Suot niya ang isang puting “long gown” na “strapless,” habang ang mambabatas ay nakasuot ng ternong “off-white suit.”

Sa hiwalay na Instagram post ni Rachel ay ipinakita naman niya ang isang “behind-the-scene” video na kung saan ay mapapanood ang ilang mga eksena simula sa kanyang paghahanda sa kasal hanggang sa matapos ang reception.

Makikita na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan, kaanak at pamilya ang “wedding.”

Nakasaad pa sa caption, “Thank you so so much for being part of yet another milestone in my little life.”

Nag-post din sa socmed ang event designer na si Gideon Hermosa ng isang video na ipinapakita kung saan naganap ang kasal.

Kuha sa video ang mala-”garden themed” na disenyo at may magandang view ng karagatan.

Unang kinasal ang dalawa noong Hulyo ng nakaraang taon sa pamamagitan ng “civil ceremony.”

Pero bago ‘yan, pitong taon muna silang magkarelasyon.

Oktubre ng nakaraang taon naman sila nagkaroon ng “first baby” na si Kaia.

Read more:

Rachel Peters walang pagsisisi na mas piniling bumuo ng sariling pamilya kesa sa career

Lolit Solis nag-sorry na kay Bea, pero bumanat sa mga plastik: Ako lang ang may kasalanan, nagsimula sa akin dapat sa akin din magtapos

Sylvia ayaw pakialaman ang diskarte nina Arjo at Maine sa pagpapakasal; Zanjoe ‘nagpaparamdam’ kay Ria

Read more...