NAGBIGAY ng update ang aktor at ngayo’y vlogger na si Andrew Schimmer ng update sa kasalukuyang kondisyon ng kanyang asawang si Jho Rovero.
Habang nagvi-video siya ay kasabay naman ng pagsailalim ng kanyang asawa sa dialysis.
Ayon kay Andrew, ang sanhi ng kanyang one-time dialysis ay ang pagtaas ng sodium level nito kaya siya ibinalik sa ICU.
“Bumababa na ‘yung sodium level, actually malaki na ‘yung ibinaba,” masayang pagbabahagi ng aktor.
Pinuri rin ni Andrew ang mga medical professionals na umaalalay sa kanyang asawa.
Sey niya, “Magaling yung sobrang husay ng mga attending doctors kahit yung mga nurses dito sa ICU,” sey pa niya.
Dagdag pa ni Andrew, “Very good and very very effective. Talagang para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.”
Labis naman ang tuwa ng mga netizens dahil naging maayos ang lagay ng kanyang asawa.
“I’m so glad she’s doing much better. Please my Almighty Lord ,Continue to Heal her Completely and Bless her family, give them all the Strength Specially Andrew and their children,” saad ng isang netizen.
Chika pa ng isa, “Mula nuon I always have admire u John Andrew Schimmer . Mas lalo ngaun kung pano mo pinakita un unconditional love mo sa asawa mo. Napaka genuine… Stay strong. God bless u always… Praying for u and your family.”
“Your love for your wife is unmatched! God is going to heal your wife soon. Be still and know that God is in control of every situation you are facing. Such a brave person you are, Sir! We will continue to pray for your wife’s complete healing. God bless you and your family,” hirit naman ng isa.
Matatandaang ibinalik muli sa ospital ang kanyang asawa ilang araw matapos iuwi sa bahay dahil sa pagkakaroon ng mataas na lagnat dahil sa umano’y kapayaan ng nutritionist nito.
Related Chika:
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba
Asawa ni Andrew Schimmer nakauwi na mula sa pagkaka-confine, Julius Babao nagpaabot ng tulong
Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na