Paul Soriano piso lang ang sasahurin bilang presidential adviser ni Bongbong Marcos

Paul Soriano piso lang ang sasahurin bilang presidential adviser ni Bongbong Marcos
ITINALAGA bilang creative communications adviser ni Pangulong Bongbong Marcos ang asawa ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano.

Kahapon, Oktubre 17, nanumpa ang direktor sa harap ng presidente kasama ang asawa at anak nitong si Seve.

Bilang creative communications adviser, trabaho ni Paul ang magbigay payo sa presidente at sa mga ahensya, kabilang ang government-owned and controlled corporations upang mas makapagbigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga serbisyo at mga programa para sa masa.

Ayon kay Bongbong, makatatanggap lamang ng piso ang direktor kada taon bilang sahod sa pagiging adviser niya.

“One of the greatest assets of the Filipino is our creativity, and we must find many ways to highlight that to the rest of the world,” lahad ni Bongbong.

Pagpapatuloy niya, “And that is what Paul Soriano has already been doing in his career as a filmmaker. And now we have asked him to help us at one peso per year.”

Matatandaang malaki ang naging kontribusyon ng direktor sa naging kampanya ni Presidente Bongbong sa nagdaang national elections.

Bukod pa rito, si Paul rin ang nag-direk ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr.

Samantala, isang karangalan naman para sa direktor ang tungkuling ibinigay sa kanyang ng presidente.

“It’s an absolute honor to be able to serve, first and foremost, of course, for the country and then, of course, for the PBBM administration,” saad ni Paul.

Dagdag pa niya, “It’s a passion of mine to just create and communicate. It’s an absolute honor that the President has trusted me with this position.”

Ani Paul, sa panahin ngayon ay dapat maging creative sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga Pilipino.

“You know, in this day and age, you need to do it creatively, and you need to communicate so that the mission and the vision and the message of the President are clearly communicated to the Filipino people,” sey pa ng asawa ni Toni.

Related Chika:
Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos

Paul Soriano napiling direktor ng unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos: It will be simple and traditional

True ba, Paul Soriano inalok ng posisyon sa gobyerno ng kampo ni Bongbong Marcos?

Direk Paul Soriano ayaw tantanan ng mga haters ni Bongbong Marcos: Huli ka, Balbon!

Read more...