Vice Ganda nag-sideline bilang P.A. kay Regine, tinilian si Robi: Hindi pwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko!

Vice Ganda nag-sideline bilang P.A. kay Regine, tinilian si Robi: Hindi pwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko!

Vice Ganda at Regine Velasquez

KALOKA ang recent vlog ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa kanyang YouTube account.

Nag-PA (personal assistant) kasi siya kay Regine Velasquez. All day siyang nag-alalay sa Asia’s Songbird isang Sunday para sa “ASAP Natin To”.

Sa initial episode, ipinakitang late si Vice Ganda. Nakapag-swab na si Regine nang dumating ito. Agad-agad niyang binitbit ang bag ni Songbird at hinipan pa nito ang hagdanan para hindi marumihan ang kanyang “alaga.”

Pinasakay pa niya ito sa parang trolley para ‘di na ito mahirapang maglakad.

Pagdating sa dressing room, pinunasan pa ni Vice Ganda ng alcohol ang dresser na gagamitin ni Regine.

“Ang galing mo naman. Akalain mo, nakikita mo ang mikrobyo,” say ni Regine.

Pinaalis niya sa upuan si Regine dahil nilagyan muna niya ng alcohol ang upuan nito. Sinita pa niya ang isa pang host sa “ASAP” na si Robi Domingo nang magbeso ito kay Regine.

“Hindi puwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko kasi maraming karamdaman ang nagkalat ngayon. Nagpa-swab na po ba kayo,” tili niya kay Robi.

Aligaga si Vice Ganda during the rehearsal of Regine. Abala siya sa kanyang alaga.

“’Wag kang nakikipagkuwentuhan kasi mamalatin ka. You have to protect your voice,” say ni Vice Ganda kay Regine.

Ang daming naka-appreciate ng ginawa ng “It’s Showtime” host kay Regine.

“Sobrang kinarir ni Vice ang pagiging alalay kase sobrang love naman nya talaga si songbird. PA and fan girl dito si Meme.”

“What makes this a very authentic P.A. For A Day vlog is the authentic care that Vice has for Regine as a diehard Reginian. Palpable ung extra attention to detail ni Vicey kay Ate Reg na dinadaan nya lang sa okray – but all those jokes come from a place of love and years of intimately knowing the songbird.”

“Anlakas ng tawa ko kay Vice dun sa bawal lagyan ng english ang spiels ni Regine, ung pagsaway sa kanya pag daldal ng daldal sa gaps kase mauubos ang boses, the Valda candies, ung insisting na bawal matakpan si RVA sa mga blocking at bawal maunahan ng mga starlets, ung usapang dibdib hahahaha pati ung pag-alala kay Regine nung nagkakamali na ng lyrics during rehearsals — ahhh lahat ng intimate details na yan ay totoo and something that only diehard Reginians would know and say to Regine!!!!! Thank you Vice for this vlog. Thanks for loving Ate Reg.”

“Galing ni Vice mag PA, kahit na eme lang, di rin biro. Magaling sya mag alaga kasi mismo si Vice ay artist din kaya alam nya yung mga ganung bagay. Mga dapat and di dapat etc. Its nice seeing this kind of vlog meme…ang fun panoorin. Nagkaron kami ng idea na ganun pala ganap sa ASAP etc. Keep the vlogs coming meme! Thank you!”

Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Read more...