Litrato ni Michael V kasama ang 2 junakis mabenta sa socmed: ‘Mas mukhang Bitoy kesa kay Bitoy!’

Viral photo of Michael V with children

Viral photo of Michael V with children from FB

BENTANG benta sa madlang pipol ang isang “family photo” ng Kapuso TV host-comedian na si Michael V.

Matagal nang na-post ng komedyante ang nasabing litrato, pero recently lang nag-viral matapos i-repost sa social media ng video creator na si Perds Centino.

Naka-crop ang picture sa Facebook para lalong makita ang pagkakahawig ng komedyante at ng kanyang anak na lalaki.

May caption pa itong, “Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy.”

Marami naman ang nagulat at inakalang inedit ang picture para maging “spitting image” ang dalawa.

Libo-libong netizens naaliw at pinagkaguluhan pa ang comment section sa viral post.

Sinabi pa ng isang netizen na malakas ang dugo ni Bitoy.

“The Bitoy is not same because the bitoy is same. The bitoy is same because the genes is strong,” sey sa comment.

Nagbiro din ang isa pa at sinabing si Michael V pa raw ang nanggaya sa kanyang anak.

“Pati anak ni Bitoy ginaya nya.. galing tlga ni Bito,” ayon sa netizen.

May nagsabi rin na “carbon copy” umano ang anak.

“Carbon lodi,” saad ng isa.

Noong June 7 pa ibinandera ni Michael V ang nag-viral na picture na kung saan pinanood ng kanyang pamilya ang action sci-fi film na “Jurassic World Dominion” sa isang sinehan.

As of this writing, umaani na ng mahigit 46,000 shares at halos 705,000 likes ang nasabing viral post.

Read more:

Michael V tinamaan uli ng COVID-19: Kahit bad trip ako sa ‘yo, hinding-hindi kita makakalimutan

Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto

Michael V sa darating na eleksyon: Sana this time, utak at puso ang gumana

Read more...