‘Every spine counts,’ paalala ni Mister Posture Philippines JP Guerrero

Tinutulungan ni reigning Mister Posture Philippines JP Guerrero ang mga mag-aaral ng University of Makati na makakuha ng libreng posture screening./ARMIN P. ADINA

Tinutulungan ni reigning Mister Posture Philippines JP Guerrero ang mga mag-aaral ng University of Makati na makakuha ng libreng posture screening./ARMIN P. ADINA

MARAMI pa rin ang hindi pamilyar sa “World Spine Day” na ipinagdiriwang tuwing Okt. 16, kaya ibinahagi ni Mister Posture Philippines JP Guerrero ang saloobin niya hinggil sa kahalagahan ng paggunita sa naturang okasyon.

“We need to celebrate this day, Spine Day is important. Nowadays, health is very important,” sinabi niya sa Inquirer sa World Spine Day educational symposium na isinagawa ng Mabuhay Chiropractic Clinics at Mabuhay Health sa University of Makati sa Makati City noong Okt. 13.

“We are still facing a pandemic right now, and we need to boost our immune system with the help of natural healthcare, such as chiropractic,” pagpapatuloy pa ni Guerrero.

“Every Spine Counts” ang paksa ng pagdiriwang ngayong taon, at literal ang naging daan niya sa pagpapaliwanag sa kahulugan nito. “Men and women have veins connected to our different organs, which really counts. Because if we miss a [vertebra], it really matters,” aniya. Vertebrae ang magkakadugtong na indibidwal na mga butong bumubuo sa gulugod o “spine.”

Isang madaling paraan upang magkaroon ng malusog na spine ang pag-iwas sa paghukot kapag nakaupo sa panonood ng telebisyon, ani Guerrero. “Personally, I used to do that, before we were taught by our doctors now. I complained about pain on my backbone, and he asked how I sit every day,” ibinahagi niya.

Kasama ni reigning Mister Posture Philippines JP Guerrero (kaliwa) si 2017 Miss Progress International Jedaver Pancho Opingo, na PR manager na ngayon ng Mabuhay Health./ARMIN P. ADINA

“If we feel something on our backs, or we notice that our shoulders are not properly aligned, you need to have your spines checked,” dinagdag pa ni Guerrero.

Siya mismo tumulong sa pagbibigay ng libreng posture screening sa symposium, kung saan sumailalim ang mga mag-aaral, tagapagturo, at kawani ng pamantasan sa libreng pagsusuri ng spine nila upang matukoy ang kalagayan nila.

Tinalakay din sa symposium ang pagkakaroon ng kauna-unahang anim-na-taong chiropractic degree program sa bansa, na iaalok sa University of Makati.

Binuo ito ni Dr. Phillip Ebral, isang Australia-based na chiropractic program curator, sa pakikipagtulungan ni Dr. Michael Tetrault, founder ng Chiropractic Diplomatic Corps, Mabuhay Chiropractic Clinics, at Mabuhay Health.

Ibinahagi rin ni Mabuhay Health Public Relations Manager Jedaver Pancho Opingo na nagsimula na ang pagtanggap ng mga aplikante para sa ikalawang edisyon ng Mister and Miss Posture Philippines pageant sa susunod na taon.

Read more...