K-Pop group BTS sasabak na sa ‘mandatory military service’: It’s the perfect time and the members are honored to serve

K-pop sensation BTS

K-pop sensation BTS (PHOTO: Instagram/@bts.bighitofficial)

KAKASA na sa “military service” ang K-Pop sensation na BTS!

Kinumpirma ‘yan mismo ng kanilang talent agency na “Bighit Music” sa isang pahayag na inilabas ngayong Oct. 17.

Ayon pa nga sa ahensya, ito ang tamang oras upang tuparin ng grupo ang “mandatory military service” at ito raw ay ikinararangal ng mga miyembro.

Sey sa post, “BIGHIT MUSIC is proud to announce today that the members of BTS are currently moving forward with plans to fulfill their military service.

“After the phenomenal concert to support Busan’s bid for the World Expo 2030, and as each individual embarks on solo endeavors, it’s the perfect time and the members of BTS are honored to serve.”

Proud ding sinabi ng Bighit Music na malayo na ang narating na tagumpay ng banda, lalong-lalo na pagdating sa “international music scene” kaya ito naman daw ang panahon na sila’y manilbihan sa sariling bansa.

“Since the creation of BTS over ten years ago, the band has risen to international success, broken records, and catapulted K-Pop into the global stratosphere,” patuloy sa post.

“BIGHIT MUSIC has focused to the milestone moment when it would be possible to respect the needs of the country and for these healthy young men to serve with their countrymen, and that’s now.”

Unang sasabak sa military service si Jin na mag-uumpisa na pagkatapos ng kanyang “solo release” ngayong Oktubre, habang susunod naman sa “enlistment” ang iba pang miyembro.

Chika sa post, “Group member Jin will initiate the process as soon as his schedule for his solo release is concluded at the end of October.

“Other members of the group plan to carry out their military service based on their own individual plans.”

Sinigurado ng talent agency na muling magsasama-sama ang grupo pagdating ng taong 2025.

Ayon sa pahayag, “With the company and the members of BTS are looking forward to reconvening as a group again around 2025 following their service commitment.

“Yet To Come (The Most Beautiful Moment)” is more than a track from their latest album, it is a promise, there’s much more yet to come in the years ahead from BTS.”

Matatandaan noong nakaraang taon, nag-apply ang grupo sa Korean government na ipagpaliban ang kanilang serbisyong militar hanggang sa edad na 30.

Ang kanilang batayan ay ang tinatawag na “BTS Military Service Act” na sinimulang ipinatupad noong Hunyo ng nakaraang taon sa South Korea.

Sa ilalim ng nasabing batas, mga “outstanding” pop culture artist lang, gaya ng BTS ang pwedeng payagan na ipagpaliban ang pagsisimula ng kanilang “military service” hanggang umabot sa 30 years old.

Ilan sa “requirements” ng batas ay kung may natanggap na “cultural medals” at inirekomenda ng “Ministry of Culture, Sports and Tourism” o MCST.

Read more:

BTS kinilala sa iba’t-ibang bansa, napasama sa ‘Greatest Concept Albums of All Time’

SB19 pasok sa 33 Favorite Boy Bands of All Time ng Teen Vogue, lumebel sa BTS, The Beatles, Backstreet Boys, Westlife

BTS, President Biden sanib-pwersa kontra anti-Asian hate crimes: We were devastated…

Read more...