Pagpanaw ng talent manager na naka-discover kina Liza at Alden ikinagulat ng mga taga-showbiz

PHOTO from Tatak LizQuen FB

ISA kami sa nabigla sa maagang pagkamatay ng talent manager na si Dudu Unay whom we last saw sa pa-presscon niya sa cast ng advocacy film na “Leilaira.”

Most affected sa kanyang untimely death ang alaga niyang si Lance Carr na agad-agad nag-post ng photo kasama si Dudu sa kanyang Instagram account.

“Isa ka sa mga unang tao nagtiwala na kaya kong pumasok sa showbiz. You opened a door for me and gave me an opportunity na akala ko napaka impossible.

“Sa limang taon na pinagsamahan natin ang dami nating pinagdaanan tito du. May arguments, may mga lakad na unforgettable, mga raket, project, tsaka chikka.

“Tito du ang dami pa sana nating project na gagawin. Gagalingan ko po sa showbiz tito para sayo and alam ko bawat proyekto ko papanoorin mo diyan sa heaven.

“Thank you for being my manager for 5 years tito hinding hindi kita makakalimutan. Rip tito du. Labyu tito. Kaloka.”

‘Yan ang emosyonal na mensahe ni Lance.

Ang isa pang may emotional message sa kanyang Facebook account ay ang actor-director na si Lester Llansang na siyang nagdirek ng “Leilaira”.

“Tito Dudu naman, ito na pala huling picture natin, bakit ka naman nangiwan bigla?

“Wala nang mangungulit sakin na magreply agad agad at sumagot agad agad sa tawag, wala nang tatawag saking ANIMALA, wala na akong marerecieve na text na KALOKA, bakit naman ganun tito?

“Di mo pa nga napapnood ng buo ang LEILAIRA kasi sabi mo gusto mo isurprise sarili mo pero bakit naman kami ang ginulat mo ngayon, ang daya mo tito, sobrang daya mo.

“Sinita pa kita na ang laki ng pinayat mo sabi mo sakin ‘ok lang ako, diet kasi ako’ di ka nagsabi na may nararamdaman ka na pala, tito naman eh, pupunta pa tayo davao sa oct.22 di ba?

“May ticket na tayo eh, bangon ka na jan, tinawagan ko pa number mo kanina kapatid mo sumagot sabi nasa hospital ka, tinanong ko pa kalagayan mo at ineexpect ko na ang isasagot sakin ok ka na kaso hindi eh, iba yung sinabi sakin, tito bakit ka naman nauna?

“Ambagal mo kaya maglakad pero bakit mo naman kami inunahan lahat, tito tara na, bangon ka na jan!!!!!!!!!!”

‘Yan ang very emotional na post ni Lester sa kanyang Facebook account.

I wrote about Dudu years back, not knowing him personally. I wrote about how he was booted out of the camp of Alden Richards when he was the one who got him to audition for “Alakdana”.

Alden got the leading man part opposite Louise delos Reyes and that started his showbiz career.

Dudu was very nice. He was the discoverer of Liza Soberano who eventually joined Ogie Diaz’s management.

Kinulit ko si Dudu na isama sina Lance Carr at Royce Cabrera sa presscon ng “Leilaira”. Only Royce made it to the mediacon.

I will miss you Dudu. You are loved. Rest in peace my friend.

Nakakagulat ang pagkawala mo. You have touched so many lives.

Read more:

Bassist ng The Dawn na si Mon Legaspi pumanaw na sa edad 54

Sigaw ng fans ni Kris: Buhay na buhay po si Ms. Kris, hindi pumanaw! Huwag maniwala sa fake news!

Queen Elizabeth II pumanaw na sa edad na 96

Read more...