MAJA, KIM matindi pa rin ang galit sa isa't isa, matensyon kapag nagkasalubong | Bandera

MAJA, KIM matindi pa rin ang galit sa isa’t isa, matensyon kapag nagkasalubong

Cristy Fermin - October 01, 2013 - 03:00 AM

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagagamot ang hidwaan nina Kim Chiu at Maja Salvador. Wala tayong nababasang pagpaparinigan nila, hindi na sila nag-aaway nang lantaran, pero ang tensiyon ay nandu’n pa rin sa mga pagkakataong nagkakasama sila.

Kuwento ng aming source mula sa ABS-CBN ay alam na ng kanilang staff ang gagawin kapag nagkasama sa isang show ang dalawang youngstars na dating magkaibigan pero pinaghiwalay ng pakikipagmahalan.

Dating karelasyon ni Gerald Anderson si Kim, pero minahal ni Maja, talagang biniro ng kapalaran ang magkaibigang ito. Minasama ng kampo ni Kim ang pakikipagrelasyon ni Maja kay Gerald, katwiran naman ng mga kakampi ni Maja ay kailan pa naging krimen ang magmahal, kaya tumagal ang kanilang alitan ni Kim.

“Kapag magkasama sila sa isang okasyon o sa isang show, kailangang magkalayo ang mga dressing room nila, saka hanggang maaari, e, hindi sila dapat magkasama sa isang production number.

“Or kung talagang hindi na maiwasang magkasama sila sa isang prod number, e, kailangang magkalayo sila, merong nakapagitna sa kanilang dalawa.

Nakakaloka, hanggang sa trabaho, kailangang ingatan ang dalawang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming source. Pero isang araw ay siguradong maaayos din ang lahat para kina Kim at Maja, imposible namang hindi lumambot ang puso nila sa bawat isa, dahil dati silang magkaibigan.

Hindi pa lang siguro panahon, pero pasasaan ba’t magkakasundo rin sila, hindi pa siguro handang magbaba ng pride sina Kim at Maja sa mga panahong ito. Nang dahil sa pag-ibig. Nakakalungkot.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending