Payo ng nanay ni Jake Zyrus sa mga baguhang artist: Sabi ni Oprah kay Charice noon kapag inuna ang yabang walang patutunguhan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jake Zyrus at Raquel Pempengco
NAPAKALALIM ng hugot ng nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco tungkol sa entertainment industry at sa mga celebrities na talentado pero walang “connections.”
May pa-real talk kasi si Raquel para sa mga artists base sa mga karanasan niya noong kasagsagan ng international singing career ng anak na si Charice Pempengco na Jake Zyrus na nga ngayon.
Ipinagdiinan ng nanay ni Jake na hindi sapat ang talent ng isang singer o celebrity kung wala itong solid na “connection” at “right decision”.
“Kahit anong galing mo sa lahat kung wala kang ‘CONNECTION’ at ‘RIGHT DECISION’ wala din ang galing mo…
“Just a piece of Advice sa lahat na nangangarap at nag-uumpisa pa lang… ‘Always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear,’” sabi pa niya.
“Yan ang sinabi ni OPRAH kay CHARICE noong nag-uumpisa pa lang siya. Pag inuna ang yabang? Sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan.
“Just keep it to yourself na kung alam mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko… hindi pa sikat feeling sikat na… Dami kong nakita na ganyan na di nag-bloom ang career,” dagdag pang paalala ni Raquel.
“Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION… yun lang… Real talk and Advice lang po… Based on my experience,” dugtong ni Raquel.
Samantala, iba’t iba naman ang reaksyon ng netizens sa sinabi ni Raquel na feeling niya ay may papalit na kay Charice.
Ang tinutukoy niya ay ang “Tawag ng Tanghalan” contestant na si Mary Khem Cabagte na nagpakitang-gilas sa pagkanta ng “Always You” na kinakanta rin ng anak niya noon.
“This is it! May papalit na kay Charice,” ang caption ni Raquel sa litrato ni Mary Khem.
May mga sumang-ayon sa kanya pero marami ring kumontrang mga fans ni Charice na hanggang ngayon ay nananatiling supporter ng award-winning artist na isa na ngayong proud transman.
Nagkakaisa sila sa pagsasabing wala pa ring makakatalo sa mga naging achivements ng singer-songwriter sa international music scene.