‘All by myself’ ang drama ngayon ni Heart: I’m learning to walk alone and being independent and I kind of love it!
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Heart Evangelista
NILINAW ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na hindi siya maninirahan forever sa Paris tulad ng mga naglabasang chika kamakailan.
Siniguro ng fashion icon na marami pa siyang trabaho sa Pilipinas kaya uuwi pa rin siya sa bansa pagkatapos ng mga commitments niya sa ibang bansa.
Sa mga bagong video na ipinost niya sa Intagram, nagbahagi si Heart ng ilang mga kaganapan sa buhay niya sa Paris kabilang na riyan ang paglilibot niya sa iba’t ibang lugar doon.
Inamin ng misis ni Sen. Chiz Escudero (hindi pa rin umaamin at nagdedenay sa balitang hiwalay na sila), na kinakarir na niya ang pagiging “alone” at “independent” sa buhay.
Chika ni Heart, “Today I decided to walk all by myself around Paris. Those of you who know me know that I have so much anxiety when I’m by myself.
“But sometimes, you got to learn how to do new things and explore and, you know, learn for yourself,” sey ng aktres.
Kuwento pa niya tungkol sa isang restaurant na binisita niya sa Paris kung saan siya nag-breakfast, “I had a nice cappuccino and as you can see naubos ko ‘yun, napakasarap.
“And I had granola. And I had blueberries on the side to balance it out,” sabi pa niya.
Pagpapatuloy pa ng Kapuso star, “I’m learning to walk alone and being independent and being totally by myself. And I kind of love it!”
Sa nasabi ring video, mapapanood ang pagpunta ni Heart sa isang pet store. Pero agad niyang nilinaw na hindi siya bibili ng aso dahil wala naman siyang balak manirahan for good sa Paris.
“It was so relaxing to see these (dogs). Super duper cute. It just made my day. Just being surrounded by pets and animals just really takes away all my anxiety,” aniya.
Matatandaang nagtungo ang aktres sa Paris noong huling linggo ng September para sa Paris Fashion Week at hanggang ngayon ay naroon pa rin siya.
Sa isa niyang Instagram Live kamakailan, ibinalita niya na nakabili na raw siya ng apartment sa Paris.
“I just got myself an apartment so I do not really plan to buy anything else because I have like all of my nice furniture. I really want it to be very, very nice. And so I am saving up for that,” aniya.
Pero ipinagdiinan nga niya na, “I’m not living (in Paris). I have work here and work in the Philippines, and kailangan natin ng work, because, you know, kailangan natin maging independent to pay for your stuff and hindi humihingi ng anik-anik. So kailangan super work tayo.”
May pahayag din siya sa mga taong nagsasabi naman na puro pagpapasarap ang ginagawa niya sa buhay dahil kung saan-saan nga siya nagpupunta at naglalamiyerda.
“A lot of people ask me about fashion week and they ask what I do here, puro lakwatsa, emeng ganyan.
“Hindi ho, trabaho ho siya. Hindi siya madali. Maganda lang siya and masaya siya kasi it’s something that I love to do. I love dressing up.
“And it’s really a full-time job. You know, I’ve never really been the type who just stay home and wait. I’m very creative with my time,” sabi pa ni Heart.