Heart ilang beses umiyak habang nasa Paris Fashion Week: I was very stressed kasi ako lang nag-iimpake…
Heart Evangelista
ILANG beses umiyak ang Kapuso actress na si Heart Evangelista nang dumalo at rumampa sa 2022 Paris Fashion Week.
Ayon sa fashion at style icon, grabe ang hirap at sakripisyo na pinagdaanan niya sa pagdalo sa nasabing fashion event sa Paris, France dahil nga “solo flight” lamang ang drama niya roon.
Kabaligtaran daw ito ng mga ibinandera niyang glamorous and fabulous photos sa Paris dahil sa likod nga ng bawat paandar at pasabog niyang litrato niya ay may nakakalokang mga kuwento.
Dahil nga mag-isa lamang siyang nagtungo roon at first time um-attend sa fashion week na walang kasamang personal assistant, ay si Heart talaga ang gumagawa at naghahanda ng mga kakailanganin niya sa pictorial.
“Umiyak ako. Multiple times, actually. I was very stressed kasi ako lang nag-iimpake, at hindi ako pwede maligaw sa airport,” pahayag ni Heart sa isang online interview.
Nguit sa kabila nga ng lahat ng naranasan niyang stress, naging bongga at matagumpay pa rin ang kanyang Paris trip at hindi siya nagsisisi na ginawa niya ito.
“Siguro kung dati ito hindi ko magagawa, pero now that I’m older, I was able to survive. And I could say it’s one of the best trips I’ve had. I’m proud of myself kasi nagawa ko siyang mag-isa,” sey pa ni Heart.
In fairness, talagang pinag-usapan ng netizens ang pagpunta niya sa City of Love para nga sa Paris Fashion Week kung saan ilan sa mga inirampa niyang OOTD ay mula sa Dior, Chanel, Louis Vuitton at marami pang iba.
Nakipag-bonding din siya roon sa mga sikat na fashion personality tulad nina Michael Coste at Christian Louboutin.
View this post on Instagram
Samantala, kung noon ay talagang desidido na si Heart sa pagsasabing baka last teleserye na niya ang “I Left My Heart in Sorsogon”, mukhang nagbago na ang desisyon ng aktres.
Aniya, “I said it with finality the last time, but when I started to watch the show, I realized how I also loved acting din pala.”
Sabi ng misis ni Chiz Escudero, baka raw maging open pa rin siya sa paggawa ng acting projects tulad ng mga three o five episode drama anthology.
Pagdating naman sa paggawa ng pelikula, pwede naman daw siya pero depende ito sa materyal at sa magiging leading man niya at sa kanyang availability.
“Sa schedule lang talaga, hindi ko kaya. I have so much to balance. Ayoko mag-promise that I will have time.”
https://bandera.inquirer.net/304461/heart-tiis-ganda-sa-paris-fashion-week-2022-hindi-ko-na-kaya-hindi-ko-na-kaya
https://bandera.inquirer.net/286624/heart-inirampa-ang-swimsuit-na-nagkakahalaga-ng-p40k-nagpapatayo-na-ng-beauty-company
https://bandera.inquirer.net/295060/b-day-message-ni-heart-kay-chiz-mawala-na-lahat-wag-lang-ikaw-mahal-na-mahal-kita-darleeeeng
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.