Pinay queen sa Japan dumaan muna sa Pilipinas bago mag-judge sa Malaysia

Reigning Mrs. Tourism Ambassador International Myla Villagonzalo-Tsutaichi/MYLA VILLAGONZALO TSUTAICHI FACEBOOK PAGE

BUMALIK na si reigning Mrs. Tourism Ambassador International Myla Villagonzalo-Tsutaichi sa Malaysia, kung saan niya nasungkit ang korona tatlong taon na ang nakararaan, hindi lamang upang koronahan ang tagapagmana niya kundi para maging isa rin sa judges sa final competition ngayong Okt. 16.

Ngunti bago dumiretso sa Kuala Lumpur mula sa Japan kung saan siya nakatira ngayon, dumaan muna siya sa Maynila upang maipagpatuloy ang pagtulong na ginawa niya sa Bulacan.

“I started doing charity work at the Bethlehem Orphanage in Bulacan in 2015 with the help of the DSWD (Department of Social Welfare and Development), and also for the grandparents,” sinabi ni Tsutaichi sa Inquirer sa isang online interview.

“I promised them that before I relinquish my crown, I will return for a charity program through my Kimono Global Friendship Organization (KGFO), also as a form of thanksgiving,” pagpapatuloy pa niya.

Tinatag niya ang pangkat upang magsulong ng kultura at tradisyon sa Japan, ani Tsutaichi. Kasalukuyan din siyang chairwoman ng organisasyong nakapaglunsad na ng sari-saring charity programs sa maraming panig ng bansa upang makatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Nakatakdang magsalin ng korona si Tsutaichi sa unang kwarter ng 2020, ngunit napilitan ang organizers na kanselahin ang patimpalak dahil sa COVID-19 pandemic na nagpatigil sa pag-inog ng mundo..

Mahigit tatlong taon mula nang itanghal ang huli nitong edisyon, nagbabalik ang Mrs. Tourism Ambassador pageant sa pagtatanghal ng isang live competition ngayong gabi, kung saan kasali si Tsutaichi sa judging panel.

Nang tanungin kung ano-anong katangian ang hahanapin niya, sinabi niya sa Inquirer, “you need to have to inspire and empower every mother in the universe to care, uplift, and support to make their dream come true in action, and willing to give their hands to serve.”

Sa isang Facebook post, sinabi ni Tsutaichi na, “to become a beauty queen is not easy as it is. You need to do your best in whatever you do. Being a public figure requires character, as a role model to all.”

Pagpapatuloy pa niya: “Winning in a beauty competition was really unexpected and challenging. This was like a dream come true. What a great journey this has been.”

Read more...