VIRAL sa social media app na TikTok ang isang Indonesian na kuhang-kuha ang “British accent.”
Siya si Eddie, ang island boy ng Bali.
Alam niyo ba na milyong-milyong netizens na ang kanyang napapahanga at napapabilib dahil sa kakaiba niyang accent?
Simple ang pamumuhay ng TikToker sa isla, pero mapapanood sa kanyang videos na tila lumaki siya sa England.
Gaya nalang ng isa sa mga nag-viral niyang video na ibinahagi pa niya kung paano siya natutong mag-British.
@defriedbanana How do i learn English or British accent..#accent #british #indonesia #bali #justforfun #behappy ♬ original sound – northsidestory
Ikinuwento niya na hindi naman niya ito pinag-aralan, pero natuto lang daw siya kakanood ng British movies.
Sey niya, “You have to watch a lot of British movies and you can pick up the words or the accent from there.”
Tuloy pa niya, “I never really learned it, but I listened to people talking and that’s where I picked it up!”
Ibinunyag niya rin sa video na hindi siya nakatapos ng pag-aaral at hanggang elementarya lang ang kanyang naabot.
Sabi niya, “Literally, I never studied English.
“I dropped out from school when I was in elementary school.”
Nagbiro pa siya na kahit hindi pa siya nakakapunta ng England o London ay game na game siyang makipag-meet sa cast ng “Harry Potter.”
“I never been to England or London, but I wouldn’t mind next time I go there and meet with Harry Potter, Weasley, and Hermione, and maybe have a cup of tea and water,” sey niya.
As of this writing, ang nabanggit na video ay umaani na ng halos 12 million views at mahigit one million likes.
Read more:
P5k budget ng magdyowang nagpakasal sa Rizal viral na; wedding ring nabili sa halagang P999
Letter na nagpaiyak sa mga netizens viral na: ‘Hindi ko man kagustuhan, sorry Panda…’