Madam Kilay sa baby nila ng ‘afam’ boyfriend: Positive pa rin ako na ilong siya ni Michael, te!

Madam Kilay

Photo screengrab from Madam Kilay’s Facebook

EXCITED na ang Youtube vlogger na si Madam Kilay sa magiging baby nila ng “afam” boyfriend na si Michael!

Sa kanyang latest vlog na ibinandera noong Oct. 13, mapapanood na nagtungo sa isang clinic sa Florida sa Amerika ang couple para sa “4D ultrasound” ng kanilang baby.

Nagkaroon pa nga ng “gender reveal” sa video at sinabi ni Madam Kilay na lalake ang baby nila.

Mapapanood din sa vlog na masayang-masaya ang YouTuber habang pinagmamasdan ang kanyang anak sa projector.

Bukod sa mukha nito, Ipinakita rin ng ultrasound technician na nakaupo pa umano ang baby sa sinapupunan ng vlogger.

Ayon kay Madam Kilay, hindi pa nila masyadong makita ang mukha ng kanyang anak kaya babalik pa ulit sila para sa isa pang ultrasound session.

Chika niya, “hindi pa masyado totally, totally kita na talagang may laman ‘yung kanyang feslak, pero nakikita ko na ‘yung shape, ‘yung parte ng mga skin niya. 

“Pero sabi nung nag-ultrasound is balik daw kami ng mga 27 weeks or 28, 29 or 30 weeks para mas clear at para mas makita namin ‘yung itsura niya talaga ng bonggang-bongga.”

Ibinahagi rin ng vlogger na ang umagaw ng kanyang atensyon ay ‘yung ilong ng kanyang anak na nagmana umano raw sa kanya.

Sey niya pa, “nainis ako, parang ilong ko talaga ‘yung nakita ko.

“Hay naku, ano ba yan! Sana ilong ni Michael eh.”

Dagdag pa niya na umaasa siyang biglang tatangos ang ilong nito matapos ang ilang linggo.

“Sana sa next ultrasound tumangos na, baka ‘yun lang kasi hindi pa masyadong malaman so parang flat pa siya,” aniya.

Patuloy pa niya, “siguro pag mga 27 weeks, 30 hanggang mag nine months, malay mo madagdagan pa ‘yung laman laman at biglang tumangos ng bongga.”

Bukod pa riyan, ibinalita rin niya kung gaano kalakas ang kanyang baby base sa nakita nila sa ultrasound.

Sey niya, “ang lakas talaga ng ano niya, lakas ng heartbeat tapos ang lakas niyang sumipa. 

“Nakita niyo naman kanina na talagang – te ‘yung ulo niya nagtetembwang, tapos ‘yung paa niya naka ganun, siyempre sabi umiikot daw ‘yun.”

Sa huli, sinabi ni Michael na walang problema raw sa kanya kahit mas maging kamukha ni Madam Kilay ang kanilang baby dahil maganda naman daw ang YouTuber.

Read more:

Madam Kilay inalok ni Darryl Yap na gumanap bilang Cory Aquino sa ‘Maid in Malacañang’

Throwback photo ni Amy Perez bentang-benta sa netizens, Agot Isidro nag-react: Buti tumubo pa yung mga kilay natin, ‘no!?

Janine mala-Princess Diaries ni Anne Hathaway ang drama noon: Hinahabol ako ng tiyani dahil sa kilay ko!

Read more...