USAP-USAPAN ngayon sa mundo ng pageantry ang paglaladlad na ginawa ni reigning Mister Supranational Argentina Angel Olaya nang maglabas siya ng larawang kasama ang boyfriend niya. At ikinagalak ito ng isang kandidato ng Misters of Filipinas pageant.
Para sa bisexual na si Mark Joseph Cruz mula Parañaque City, “it’s really good to see that we have our friends in the LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual, and others) community that became really open to the public. We don’t need to judge each one, whether you are
bisexual, gay, or anything.”
Sa pakikipag-usap sa kanya ng Inqurier sa preliminary competition sa grand ballroom ng Winford Manila Hotel and Casino noong Okt. 13, sinabi niyang “we are living in a community where everyone has an equal opportunity to accept one another.”
Si Cruz ang unang lantad na bisexual na lalaking nakapasok bilang opisyal na kandidato ng Misters of Filipinas pageant. At batid niyang may bumabatikos sa pagsali niya.
“Well, first thing’s first, I don’t have anything to explain to them. I don’t even need to defend myself from them,” aniya.
“For me, as long as you know that you are really qualified to join a competition, nothing can stop you but yourself to join a competition like this,” pagpapatuloy pa ni Cruz.
Nito lang 2021, kinoronahan sa ikalawang edisyon ng Miss Universe pageant ang una nitong reynang kabilang sa LGBTQIA+ community, si Beatrice Luigi Gomez na nagtapos sa Top 5 ng Miss Universe sa Israel nitong Disyembre.
“Masculinity with responsibility” ang slogan ng Misters of Filipinas pageant, at umaasa si Cruz na maisulong ang adhikain ng patimpalak sa abot ng kaniyang makakaya, at mapabilang sa mga naunang hari ng national contest na nagwagi sa pandaigdigang entablado—sina 2014 Mister International Neil Perez, 2016 Man of the Year Karan Singhdole, 2018 Mister Tourism Universe Ion Perez, 2018 Mister Model Universe Carlo Pasion, 2019 Mister Tourism and Culture Universe Yves Campos, at reigning Runway Model Universe winner Junichi Yabushita.
“For as long as I know that I am not doing anything wrong in this pageant, no one can stop me from joining this competition. And it’s just a way for me prove to them that everyone is open nowadays,” pinaliwanag ni Cruz.
Hinikayat din niya ang iba pang mga kasapi ng LGBTQIA+ community na nag-aatubili pang lumahok sa isang larangang cisgender-dominated tulad ng pageantry. “There’s nothing wrong about joining a competition, just have a strong determination, and that is the key for you to succeed in life no matter what,” aniya.
Makakalaban ni Cruz ang 34 iba pang kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mula sa mga pamayanang Pilipino sa Estados Unidos at Kaharian ng Saudi Arabia para sa limang national titles—Misters of Filipinas Man of the World, Misters of Filipinas Model Worldwide, Misters of Filipinas Man Hot Star International, Misters of Filipinas Fitness Model World, at Misters of Filipinas Super Globe.
Itatanghal ang 2022 Misters of Filipinas grand coronation night sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Pasay City sa Okt. 16.
Related Chika:
1 lang ang mananalo sa 2021 Misters of Filipinas pageant
Tourism Ambassador Universe pageantry sa Malaysia inusog sa Hulyo
Mga pambato ng Pilipinas hangad ang kambal na korona sa Poland
Beatrice Gomez sinabihang huwag umamin sa tunay na pagkatao nang sumali sa isang beauty pageant