RARAMPA na sa “Coronation Night” ng Miss Intercontinental 2022 ang ating pambato na si Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano.
Ang inaabangang event ay mangyayari na ngayong October 14 sa Sharm El Sheik, Egypt.
Sa instagram, nanawagan ng suporta at dasal ang beauty queen para sa kanyang laban.
Sey niya, “Where there is no challenge, there is no strength.
“When I’m competing, I need to be strong.”
Sabi pa niya sa caption, “Pilipinas! Lalaban tayo hanggang sa huli.
“I will fight til the end and carry with me the pride of the Filipino people.”
Tuloy pa niya, “Join me til the end as we reach our Intercontinental dream, and together, let’s rewrite history.
Lubos din siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang journey.
“Thank you so much for all your love and support to me and to Miss Intercontinental. Let’s make the power of beauty shine more and be felt worldwide,” aniya.
Samantala, proud namang ibinandera ng Binibining Pilipinas Organization ang national costume ni Gabrielle na inspired sa Filipino classic na “Ibong Adarna” at tinawag nila itong “Lunas.”
Ayon sa post, “The costume that is named ‘LUNAS/CURE’ is inspired by one of the highlight scenes of the famous epic from the Philippines which is entitled Ibong Adarna.”
Paliwanag pa sa caption, “This amazing costume showcases the story of the folklore that tells about love, sacrifice and fantasy.
“This costume centers around the story of catching a mythical bird that possesses magical power.”
Inihalintulad din sa nasabing ibon ang dedikasyon at determinasyon ni Gabrielle para makuha ang back-to-back crown ng Pilipinas.
“It is very much hard to catch which represents my dedication and determination towards getting the back to back crown,” sabi sa post.
Makukuha kaya ni Gabrielle ang ikatlong titulo ng Miss International para sa bansa?
Matatandaang noong 2019 nang maiuwi ni Karen Gallman ng Bohol ang kauna-unahang Miss Intercontinental crown, habang si Cinderella Obeñita mula Misamis Oriental ang reigining queen ng nasabing pageant.
Read more:
Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano pinaiyak ng bashers
Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano ‘Pasabog Queen’