EJ Panganiban pinatotohanan ang pahayag ni Rhys Miguel: Tama ka na Patrick Quiroz!

EJ Panganiban pinatotohanan ang pahayag ni Rhys Miguel: Tama ka na Patrick Quiroz!
NAGSALITA na rin ang isa pang aktor at parte ng cast ng “He’s Into Her” na si EJ Panganiban ukol sa diumano’y pangmomolestiya ni Patrick Quiroz sa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Rhys Miguel.

Sa kanyang Facebook account nitong Miyerkules ng madaling araw, October 12 ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin at pagpapatotoo sa nangyaring insidente kay Rhys at sa isa pa nilang co-star na si Patrick.

“Finally nagsalita ka rin bro Rhys Miguel, kala ko kakalimutan na lang natin hahah, no. Saksi kami niyan sa HIH and tinry niya din kami maging victim but he [Patrick] failed,” panimula ni EJ.

Aniya, sinasabi raw ni Patrick na makikitulog raw muna siya sa kanilang kwarto dahil nasaraduhan na siya ng pinto sa kanyang assigned room para maisagawa ang diumano’y plano nito sa iba pang kasama sa series.

“Makikitulog daw siya etc sa room namin sa lock-in taping kasi closed na pinto nila and nung tulog ako nag attempt siya halikan ako and do his thing,” pagpapatuloy ni EJ.

Ang mga palusot pa raw na sinasabi nito ay nami-miss na raw kasi nito ang kanyang kuya.

“‘Namimiss ko lang kuya ko’ yan sabi niya sakin. And after non di na ko nakatulog kahit may shoot kinabukasan, yes kaya mukhang puyat nung hih. Wala talagang tulugan para bantayan tong manyak na to,” sey pa ni EJ.

Dagdag pa niya, “Tama ka na Patrick Quiroz.”

Ang mga pahayag ni EJ ay kasunod sa mga inilahad ni Rhys sa kanyang Instagram live ukol sa dinanas sa kamay ni Patrick.

Naglabas rin ng statement ang ABS-CBN Film Productions na tila nagpapatotoo na may nangyari nga talaga sa pagitan nina Rhys at Patrick.

Marami ang curious kung bakit ngayon lang nagsalita sina EJ at Rhys ukol sa pang-aabusong kanilang naranasan at nasaksihan gayong last year pa raw nang mangyari ito.

Ngunit ayon rin sa pahayag ni Rhys ay kahit matagal na itong nangyari ay dala pa rin niya ang traumang idinulot ng kapwa aktor sa kanya.

Nananatili namang tahimik ang kampo ni Patrick hinggil sa mga pahayag nina EJ at naka-limit na ang mga maaaring magkumento sa kanyang Instagram account.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga taong sangkot sa naturang kontrobersiya.

Related Chika:
True nga ba ang chika, Ex-PBB housemate Rhys Miguel minolestiya ni Patrick Quiroz?

ABS-CBN kinontra ang pasabog na reklamo ni Rhys Miguel, agad daw nag-imbestiga at gumawa ng aksyon

Cast members ng ‘He’s Into Her’ nabiktima rin ng pambu-bully

Read more...