ABS-CBN kinontra ang pasabog na reklamo ni Rhys Miguel, agad daw nag-imbestiga at gumawa ng aksyon

ABS-CBN kinontra ang pasabog na reklamo ni Rhys Miguel, agad daw nag-imbestiga at gumawa ng aksyon
PINABULAANAN ng ABS-CBN Film Productions Inc. ang mga pahayag ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Rhys Miguel hinggil sa kawalan nito ng aksyon matapos siyang diumano’y mamolestiya ng kapwa aktor noon na si Patrick Quiroz.

Usap-usapan ngayon ang isiniwalat ng aktor na dating miyembro ng cast ng Kapamilya series na “He’s Into Her”.

Base sa naging Instagram live ni Rhys noong Linggo, October 9, inamin niya ang diumano’y masalimuot na pangyayari sa kanya habang nasa lock-in taping sila para sa naturang series

“I woke up in the morning. Noong nagising ako, as in ito, raw na raw ito… malambot yung hotdog ko. Jinaj**ol niya yung lambot ng hotdog ko… kinikiss-kiss niya ako… nagising ako… noong nagising ako, hinahabol-habol ko siya…” pagbabahagi ng aktor.

Ayon pa sa pahayag ni Rhys, wala raw ginawang aksyon ang management sa kabila ng nangyaring panghahalay diumano sa kanya.

Kaya naman hindi kataka-taka na marami sa mga netizens ang kumondena sa mga nangyayari at hindi raw dapat tino-tolerate ang mga ganitong klase ng artists lalo na kung may katotohanan ang naturang isyu.

Kahapon nga ay naglabas ng statement ang ABS-CBN Film Productions Inc. at pinabulaanan ang naunang pahayag ng aktor.

“Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Film Productions, Inc. (AFPI) immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly took appropriate action to protect the rights of everyone involved,” ayon sa inilabas na official statement.

Hangad raw nila ang mapanatiling ligtas at priority nila ang maging maayos ang kapakanan ng lahat.

Dagdag pa ng ABS-CBN Film Productions, “AFPI takes these matters seriously.”

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Rhys Miguel, Patrick Quiroz, at ng iba pang mga taong sangkot sa isyung ito.

Related Chika:
True nga ba ang chika, Ex-PBB housemate Rhys Miguel minolestiya ni Patrick Quiroz?

Neri natuwa sa ‘He’s Into Her’; may pasabog tungkol kina Chito at Donny

Cast members ng ‘He’s Into Her’ nabiktima rin ng pambu-bully

Read more...